^

PSN Showbiz

Beteranang aktres na mabulaklak ang pangalan, tinakasan ang utang sa alahas

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Isang malaking leksiyon ang natutuhan ng isang kilalang alahera sa showbiz. Huwag magpapadala sa boladas ng mga artista. Huwag magpapaniwala sa mga pangako lalo na kung palagi namang napapako.

May isang matagal nang alahera na kinunan ng mga alahas ng beteranang female personality. Pinagkatiwalaan naman nito ang aktres, nakapagbabayad naman ang veteran personality nu’ng una, hanggang sa umiiwas na siya sa alahera.

Kuwento ng aming source, “Maayos naman siyang magbayad nu’ng una, kaya sige-sige pa rin ang pagbibigay sa kanya ng mga stocks nu’ng alahera.

“Kung ano ang petsang pinag-usapan nila, e, nakatutupad naman ang bete­ranang aktres. Maayos ang kanilang transaksiyon, walang nagiging problema,” umpisang kuwento ng aming impormante.

Hanggang sa dumating ang panahon na pumapalya na sa pagbabayad ang beteranang aktres. Marami na siyang dahilan.

Balik-kuwento ng aming source, “Kapag pinupuntahan siya ng jeweler sa house niya, e, isa lang ang palaging sagot ng maid-of-cotton ng veteran actress, ‘Nakaalis na po si ma’m.’

“Ayaw maniwala ng alahera dahil nandu’n lang ang kaisa-isa niyang sasakyan, paano nga naman nakaalis ang veteran star, naglakad lang siya?

“Kapag tinatawagan niya naman ang bete­ranang aktres, e, hindi sumasagot, kaya isang araw, e, nag-text siya sa female personality na kung hindi na makapagbabayad, e, isoli na lang sa kanya ang mga kinuhang alahas!

“Sumagot ang ale, hindi rin daw kasi nagbabayad sa kanya ang mga kumuha ng alahas, kaya palagi ring delayed ang payment niya! So, ibinebenta pala niya ang mga alahas!

“One night, nagkita sila sa isang party, hindi alam nu’ng veteran actress na darating din pala du’n ang jeweler! Kitang-kita ng alahera na suot-suot nu’ng veteran actress ang alahas na kinuha sa kanya!

“Hindi niya naman pala ‘yun ibinebenta, siya ang gumagamit, hindi lang siya talaga nagbabayad! Nu’ng lalapitan na siya nu’ng alahera, e, bigla na lang nawala ang veteran actress!

“Iniwasan niya ang alahera, kung saan-saan siya nagpunta, para lang hindi siya masingil! Nakakaloka ang veteran actress na ‘yun!

“Maporma siya, alahada siya palagi, pero makakalimutin naman pala siyang magbayad! Hanggang ngayon, hindi pa rin niya nababayaran ang alahera!

“Kumikita naman siya sa mga raket na ginagawa niya, pero kinalimutan na talaga niya ang utang du’n sa alaherang pudpod na ang sapatos sa kasisingil sa kanya!

“Ang ganda-ganda pa naman ng name ng veteran actress, may kapangalan siyang bulaklak na makulay sa hardin,” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Kasalang Matteo at Sarah sa March, fake news!

Fake news daw ang lumabas na balita na ngayong darating na Marso na magpapakasal sa Italy sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo.

Isang mapagkakatiwalaang source ang nagparating sa amin ng impormas­yon na hindi sila kundi sina Daddy Delfin at Mommy Divine ang muling haharap sa altar para sa kanilang renewal of vows sa March 14.

Sabi ng aming impormante, “Nagkaloko-loko na! Sukob daw sila sa taon, kaya hindi puwedeng magpakasal sina Matteo at Sarah sa year na ito!”

Maraming kuwentong umiikot ngayon tungkol sa planong pagpapakasal nina Matteo at Sarah. Bukod sa ginagawang pagpapahirap ni Mommy Divine sa mga namamahala ng kasalan ay lumabas din ang balita tungkol sa kagustuhan nitong magkaroon ng pre-nuptial agreement.

Balitang kinontra ‘yun ni Sarah, napakalaking insulto nga naman nu’n sa pamilya ni Matteo, samantalang nu’n pa man ay alam na naman ng kanyang buong pamilya ang estado ng pamumuhay ng mga Guidicelli sa Cebu.

Ganyang-ganyan ang naging problema nu’n ng ikakasal na sanang news anchors, ipinilit ng pamilya ng lalaki ang pre-nuptial agreement, kaya sa sobrang pagkainsulto ng babaeng newscaster ay umurong na lang ito sa kasalan.

Huwag naman sanang dumating sa ganu’n ang istorya nina Matteo at Sarah, malinis ang hangarin ng aktor sa dalaga, wagas ang kanilang pagmamahalan na dapat lang namang mauwi na sa altar.

Ang dami-daming kuwento. Maraming kumokontra. Maraming kuskos-balungos sa kasalang Matteo at Sarah. Kulang pa ba ang mga ginawang milagro ni Sarah Geronimo para sa magandang kabuhayan ngayon ng kanilang pamilya?

vuukle comment

MATTEO GUIDICELLI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with