^

PSN Showbiz

Julia huhusgahan na kung paano maging mommy

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Julia huhusgahan na kung paano maging mommy
Melai, Karla & Jolina

In all fairness, parang excited naman ang fans ni Julia Montes sa kanyang showbiz comeback.

As of this writing kasi, nakakuha na ng halos dalawang milyong views ang trailer ng pagbabalik-telebisyon ni Julia matapos nilang masilip ang makabuluhan at napapanahong kwentong tampok sa  24/7, ang action-drama series ng aktres na mapapanood ngayong Pebrero.

Susundan ng 24/7 ang buhay ng single mom at security guard na si Mia (Julia) na gagawin ang lahat maisalba lang ang kanyang anak mula sa epidemyang dala ng isang bagong uri ng dengue.

Sa kabila ng pag-aagaw-buhay ng anak, kailangan niyang hanapin ang gamot para sa naturang sakit bago maging huli ang lahat.

Pinamagatang 24/7 ang serye dahil ito diumano ay tungkol sa pagmamahal ng isang ina para sa kanyang anak – pagmamahal na hindi natutulog.

Hangad din daw nitong magdala ng kamalayan tungkol sa mahahalagang isyu sa lipunan at tatalakayin ang responsibilidad na nararapat na gampanan ng lahat –   mayaman man o mahirap – sa isa’t isa.

Napapanahon ang kuwento. Bukod sa kino-konek ito sa posibleng pagkaka-pareho sa health crisis dahil sa coronavirus ay tiyak ding babantayan kung paanong gumanap na isang mommy ang actress na matagal naging inactive sa showbiz dahil sa bintang na diumano’y panganganak niya na hindi naman niya sinasagot kung true or hindi dahil sinasabi lang noon na inayos niya ang dual citizenship niya sa Germany kung saan naka-base ang biological dad niya.

 

vuukle comment

JULIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with