^

PSN Showbiz

Aktres noon pa maldita, lumalaban ‘pag pinagsasabihan

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Maraming impormante ang tumawag sa aming source. Hindi na nakapagpigil ang mga ito na magkuwento tungkol sa kamalditahan ng isang female personality.

Kontrobersiyal ngayon ang babaeng personalidad dahil sa mga salitang binitiwan niya patungkol sa isang may edad nang personalidad na minsan ay nakasama niya nang matagal na panahon.

Kuwento ng aming source, “Ang mga nagtawagan sa akin, e, ‘yung mga taong nakasubaybay sa buhay ng female personality. Sila ang nakasaksi sa pagdating niya sa buhay ng isang sikat na female personality.

“Nakita nila kung paano iningatan at minahal nu’ng sikat na female personality ang girl. Pero hindi kagandahan ang mga salita nila tungkol sa girl.

“Talaga raw maldita na siya kahit nu’ng maliit pa lang siya. Kapag sinusuheto raw siya ng mga taong malapit sa female personality na kumupkop sa kanya, e, lumalaban ang girl!” unang kuwento ng aming impormante.

Lalo kunong lumutang ang kamalditahan ng female personality nu’ng lumaki na siya at nag-aartista na rin. ‘Yun daw ang panahong hindi na nakikinig sa payo ng kanyang ina ang female personality.

Kuwento uli ng aming source, “Naalala pa namin ‘yung time na inaway-away niya ang isang karelasyon ng female personality na nagtu­ring sa kanya bilang anak. Naku, nakita ng marami nu’n ang sobrang kaangasan niya!

“Masakit siyang magsalita, akala mo kung sino na siya, samantalang kundi nga siya tinanggap ng female personality, e, ano kaya ang naging kapalaran niya?

“Kaya hindi na bago ang ugaling ipinakikita niya ngayon, dati na siyang ganyan, masakit magsalita ang babaeng ‘yun! Hanggang ngayon, e, hindi pa rin maayos ang relasyon nila ng taong nagturing sa kanya bilang anak.

“Siya pa ang nagmamaldita, samantalang ibinigay nga sa kanya nu’ng female personality ang lahat ng pagmamahal na wala siya!

“Hindi na sorpresa ang ugali niyang ganyan. Nakita nang lahat ‘yun ng mga tumawag sa akin para ikuwento kung sino siya!

“Very deceiving ang babaeng ‘yun! Para bang siya pa ang kawawa, samantalang ni hindi nga niya binibigyan ng respeto ang mga taong nag-alaga at nagmahal sa kanya!

“Masarap siyang pakainin ng balut. Baka sakaling magbago ang ugali niya!” nakairap na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

The Gift ni Alden puwedeng maka-relate si Lotlot

Nagpaalam na sa himpapawid ang The Gift kagabi. Tapos na ang kuwentong umikot kay Sep na pinagbidahan ni Alden Richards.

Kahapon ay sunud-sunod na tawag at text ang tinanggap namin, humihingi ng hustisya ang mga tumututok sa serye, sa mga eksena kasing napanood nila nu’ng Huwebes nang gabi ay parang mamamatay si Sep.

“Pansamantalang huminto ang ikot ng mundo ko! Bakit ganu’n? Parang mamamatay si Sep? Nasaan naman ang hustisya? Bakit kailangang mamatay ang bida?” madiing tanong ng kaibigan naming si Liza na malungkot na malungkot dahil natapos na kagabi ang The Gift.

Ganu’n katindi ang emosyon ng mga tagapanood ng serye, ayaw nilang mamatay ang kanilang idolo, nagmamarakulyo sila. Sinusulat namin ang kolum na ito ay hindi pa namin alam kung ano ang magiging wakas ng The Gift.

Pero makabuluhan ang komento ng kaibigan naming propesor, ang kanyang sabi, “Nanonood kaya ng The Gift si Lotlot de Leon? Sayang kung hindi, kasi, napakaganda ng message ng palabas.

“Buung-buong ipinakikita du’n kung paanong minahal si Sep ng nag-ampon sa kanya, si Jo Berry, saka si Elizabeth Oropesa.

“Napakalinaw ng mensahe ng serye, tinatanaw na malaking utang na loob ng inampon ang pagmamahal na ibinibigay sa kanya ng mga taong hindi man niya kadugo, e, nagmahal sa kanya at nagturing na hindi iba.

“Wala lang, naalala ko lang si Lotlot, dahil di ba, hanggang ngayon, e, hindi pa rin sila nag-uusap ni Nora Aunor? Puwedeng malalim ang reasons kung bakit on her part, pero sa huling suma e, ‘yun pa rin ang taong nag-ampon at kumupkop sa kanya,” pag-alala ni prop.

Binubulabog ngayon ni Alden Richards ang mga kababayan natin dahil sa kanyang mga retrato sa kanyang Instagram na sabi nga ng mga kaibigan naming beki ay napakasarap na ulam na kaya hindi na nila kailangan ng kanin.

Napakaganda naman kasi ng kanyang six packs, pero may pasilip daw si mayor sabi ng mga beki, ‘yun ang dahilan ng kanilang panggigigil ngayon sa Pambansang Bae.

Ha! Ha! Ha! Ha!

vuukle comment

AKTRES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with