^

PSN Showbiz

Sharon at KC malalim na ang away!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Ang request kay Gabby Concepcion ng isang supporters nina Sharon Cuneta at KC Concepcion na tulungan niyang magkabati sina Sharon at KC at sa Instagram ni Gabby pumasok ang request. Hindi sinagot ni Gabby ang netizen at wala rin siyang comment.

Speaking of KC, balik siya sa hindi pagpaparamdam sa social media, nananahimik uli siya. Habang si Sharon ay sunud-sunod ang pagpo-post at si Gabby, nag-throwback by posting KC’s baby photo at pictures noong maliit pa si KC at kasama siya, si KC ay nananahimik.

Kung binibisita niya ang IG ng mom niya, mababasang may mga nagtatanggol sa kanya at inaaway si Sharon. Nakapag-comment tuloy si Sharon ng “wala kayong alam sa mga nangyayari. Ano ito tampong di matapos? Baka kaya mas malalim? Huwag kasi makialam” at “Hahaha. Wala talaga kayong alam.”

Sa sinabing ito ni Sharon, may clue na siya na hindi lang siya nagtatampo kay KC, mas malalim pa sa tampo sa anak ang nararamdaman niya.

Lalo tuloy na-curious ang mga nakabasa kung ano ang nangyari sa mag-ina at umabot sa ganito na ilang buwan na silang hindi nagkikita at nagkakausap.

Alden at nadine magtatambal din

Ano ba ‘yan? Hindi pa man nala-launch ang TVC ng shampoo endorsement nina Bea Alonzo at Alden Richards, may grupo na ng fans na naninira. Pinapalabas pa na fans sila ni Alden at sinisiraan si Bea, kaya sa fans ni Alden nagagalit ang fans ni Bea at ang ending, ang fans nina Alden at Bea ang nagsasagutan.

Mabuti na lang at agad sumagot ang fans ni Alden at nilinaw na hindi galing sa grupo nila ang mga nagti-tweet na kaya isinama si Bea sa endorsement ni Alden dahil kailangan ni Bea nang kakapitan ngayon.

Kahit si Alden, mapapahiya at hindi magugustuhan ang sinabi ng fans kuno niya dahil bago pa siya sumikat, nauna nang sumikat si Bea at marami ng nagawang hit movies kesa sa kanya. Pati sa TV, panalo ang shows ni Bea, kaya paanong gagamitin niya si Alden?

Hindi man close friends, magkakilala sina Alden at Bea at nagkita na sila kasama pa nga si John Lloyd Cruz. Hindi rin siguro maniniwala si Bea na galing sa fans ni Alden ang mga paninira sa kanya.

Anyway, sina Alden at Nadine Lustre ang bagong endorsers ng Century Tuna, awayin din kaya ng former fans ni Alden si Nadine dahil lang magkasama silang endorsers?

Naku, mapapalaban sa Nadine fans ang dating fans ni Alden na ayaw siyang makipagtrabaho sa ibang aktres.

Christian sunud-sunod  ang concerts

Iba rin si Christian Bautista, walang kupas at sunud-sunod ang concerts. Sila nina Aicelle Santos at Mark Bautista ang nagsimula sa concert this February at successful ang 1 for 3 concert nila last February 1, sa Solaire.

Ang susunod na concert ni Christian ay sa Feb. 8, sa Urdaneta City Cultural and Sports Center in Urdaneta City, Pangasinan billed The Sweetheart and The Balladeer (Fun Night Only) kasama sina Donita Nose at Super Tekla with guest Kyline Alcantara.

Sa Feb.29, ang Irish singer na si Ronan Keating at ang Indonesian singer na si Bunga Citra Lestari ang makakasama niya sa concert na gaga­win sa Grand Ballroom Pullman Jakarta Central Park. Siguradong may mga iba pang concert na gagawin si Christian bago matapos ang taon.

Wish Ko Lang papalitan ng mas matapang na show!

Papalitan na pala ang Wish Ko Lang na hino-host ni Vicky Morales at ang ipapalit na show ay ang Ilaban Natin ‘Yan na si Vicky pa rin ang host. Napanood namin ang teaser ng pilot episode na airing sa February 22, at mukha ngang mas matapang at kontrobersyal ang show.

Ang sabi, makikita ng viewers sa Ilaban Natin ‘Yan ang new side ni Vicky na tutulong sa mga nag-aaway na pamilya na maayos ang kanilang problema.

vuukle comment

KC CONCEPCION

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with