^

PSN Showbiz

Julia hoping na makakatambal pa rin si Joshua ‘pag mas educated na sila

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Julia hoping na makakatambal pa rin si Joshua �pag mas educated na sila
Julia

Patuloy pa ring pinapilahan sa mga sinehan ngayon ang pelikulang Block Z na pinagbibidahan nina Julia Barretto at Joshua Garcia. Malaki ang pasasalamat ng aktres sa lahat ng mga tagahanga ng tambalan nila ni Joshua dahil patuloy pa ring nakasuporta kahit nagkahiwalay na ang dating magkasintahan. “Well, first we are very grateful because ‘yung fans namin have stayed, have remained and have never really lost hope in our partnership,” makahulugang bungad ni Julia.

Posibleng muling magkatambal ang JoshLia sa mga susunod pang gaga­wing proyekto dahil nanatili naman ang pagiging magkaibigan nila. “I don’t see any reason why dapat sila mawalan ng hope because even if this year, we are going to be doing projects indivi­dually that hopefully will make grow as individuals and as actors. So that one day, when we have our reunion project, we are more ready. We are more mature. We are more educated in a lot of things. I think that’s the perfect time, when we’ve grown. We have a lot of growing to do,” paliwanag pa ng aktres.

Cristine hindi nilihiman na second choice lang sa Untrue

Wala raw naging problema kay Cristine Reyes kahit na na­ging second choice lamang siya sa pelikulang Untrue kasama si Xian Lim. Si Claudine Barretto ang dapat na gaganap sa karakter na ginampanan ni Cristine rito. “‘Yung nagtanong sa akin kung intensyon daw po ba, sabi ko hindi intensyon. Nagkataon lang na naibigay sa akin,”  nakangiting pahayag ni Cristine.

Hindi inilihim sa aktres ang tungkol sa pagpalit niya kay Claudine para sa natu­rang proyekto at sa halip ay mas pinagbutihan pa raw lalo ang kanyang trabaho. ‘Ah, siya pala talaga ‘yung original. Kasi iba naiisip ko, oo sa kanya pala originally. How do I feel? Actually no’ng tinanggap ko ang pelikula, tinanggap ko po siya dahil maganda talaga. Sinabi ko na ito ‘yung matagal kong hinihintay na project and seryoso po talaga ako rito. Kaya sabi ni Xian na game face ako lagi sa shoot. Kasi gustung-gusto ko talaga siya gawin. Siguro thank God, ‘yon ang masasabi ko na ibinigay Niya sa akin itong project. Kasi hindi ko ito makukuha kung hindi dahil sa Kanya,” paglalahad ng aktres.

Mapapanood ang nasabing pelikula sa mga sinehan simula February 10. (Reports from JCC)

vuukle comment

JOSHUA GARCIA

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with