^

PSN Showbiz

Nadine vs. Viva, handa na sa legal battle!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Nadine vs. Viva, handa na sa legal battle!

Ang pag-alis ni Nadine Lustre sa Viva, matagal nang inaasahan ‘yan ng marami. Kasi nang umalis si James Reid sa Viva noong nakaraang taon, sinabi niyang inaasahan niya ang kanyang live-in partner na si Nadine na pumirma na rin ng recording contract sa kanyang music company at magpa-manage rin sa kanyang itinayong Reid Entertainment na ang namamahala ay ang tatay niya.

Mahihirapang bumangon ang Reid Entertainment na iyan kung ang talents lang nila bukod kay James ay ang kanyang mga kapatid na si Jack, at Lauren.

Si Jack, nakasama na rin naman sa ilang pelikula pero mukhang hindi naman kinagat. Lumalabas naman nitong bandang huli na mahina rin si James kung wala si Nadine.

Iyan ang dahilan kung bakit idinidiin nila noon na maling proyekto ang ipinagawa kay Nadine, na pareho ngang naging flop. Kung natatandaan naman ninyo, ang discontent na iyan ay nagsimula lang matapos ang announcement na hindi na nga si James ang gagawa ng ipinangako sa kanyang project na Pedro Penduko, na sinasabi pa noong araw na may “international backing”.

Naniniwala kami na ang discontent nina James at Nadine ay may kaugnayan. Bago kasi nangyari iyan, tinatanggihan na ni Nadine ang ibang mga proyektong pelikulang iniaalok sa kanya. Dalawang bagay ang puwede mong isipin, una baka duda na siya sa diskarte ng kanyang producers.

Pangalawa, baka gusto niyang igiit na pagtambalin pa rin sila ni James.

Wala namang pinirmahang movie contract si James sa iba, ibig sabihin puwede siyang gumawa sa Viva. Kailangan nga lang ng Viva na makipag-negotiate sa Reid Entertainment.

Sa dalawa naglalaro ang aming isip, kaya naisip din namin na mukhang malabo ang deklarasyon na nag-split silang dalawa. Nagamit lang ang isang TV show na akala ay nakapagpaputok na sila ng isang malaking scoop. Maniniwala ka ba, eh wala pang isang linggo magkasama na sila roon sa Alamat Pub sa Makati, at kinabukasan ng gabi mayroon silang isang “pasta party” na magkasama ulit.

Hindi kami nagtataka dahil hindi ganoon kadali ang makipag-split lalo na at apat na taon halos kayong nagsasama, at magka-live-in. Huwag ninyong sabihin na iyong nangyari ng apat na taon matatapos sa ganoon na lang. Kaya nga noong una pa, sinasabi namin sa mga naniniwala at nagpapatotoo na dahan-dahan lang dapat sila. Aba eh 2020 na.

Nang ilabas ang desisyon ni Nadine na umalis sa Viva at siya na ang mag-manage sa sarili niya, ang nag-serve ng notice ay ang Kapunan and Castillo Law Offices. Kung natatandaan ninyo, ilang buwan lang ang nakararaan, ang nag-serve din ng notice na umalis na si James Reid sa Viva ay ang Kapunan & Castillo Law Offices.

Iisa ang kanilang abugado, na natural lang naman at siyang inaasahan.

Pero riyan ay maliwanag na “posibleng” naroroon pa rin ang koneksiyon ng dalawang sinasabing nag-split sa isang TV statement.

Ano naman ang punto riyan? Natural hinahabol ng Viva si Nadine. Pero siguro ang pinagbatayan naman ng law office ni Nadine ay ang dating rule of court na hindi maaa­ring awatin ng isang manager o producer ang karapatan ng isang artista na mag-improve, kabilang na riyan ang pagma-manage ng sarili. Natatandaan din namin na nagkaroon ng legal opinion sa ganyang kaso, na ang managers ay hindi amo kung hindi siya ay nagtatrabaho lamang para sa artists, dahil ang artist ang nagbabayad sa managers. Kung ganoon, sinasabi sa legal opinion na ang simpleng “lost of trust” maaaring magpalit ng managers ang isang artists.

Pero siyempre ilalaban naman ng Viva ang old doctrine na “a contract remains to be a bilateral agreement and cannot be terminated unilaterally.” Ibig sabihin ang isang kontrata ay kasunduan ninyong dalawa at hindi maaaring basta umayaw na lang ang isang panig.

May mga artist namang nagsasabi na medyo unfair iyan, dahil kung hindi sumikat ang isang artist, nakakalimutan naman ng producers ang kanilang pinirmahang kontrata at wala kang mahabol.

Ang katuwiran nila, may karapatan silang iwasan ang tiyak na pagkalugi.

Hindi tayo maaaring mag-speculate kung ano ang kalalabasan niyan. Hayaan natin na magtaltalan sila sa Korte dahil mukha namang aabot dahil sinabi nilang pareho silang handa sa battle court. Pero magiging mahabang usapan iyan at habang may tumatakbong kaso sa korte, maaa­ring pagbawalan si Nadine na tumanggap muna ng projects, kahit na sabihing tapos na ang kontrata niya sa Viva, dahil ang time clause ng kontratang iyon ay suspendido habang tumatakbo ang isang kaso. Baka matanda na si Nadine bago matapos iyan. Baka magiging bida na lang siya sa kagaya noong Daig Kayo ng Lola Ko.

Maaari ring magkaroon ng settlement, bilhin na lang ni Nadine o kung sino man ang magiging bago niyang managers ang natitira pa niyang kontrata sa Viva para hindi na humaba ang gulo. Kung hahaba iyan, wala na siyang kita magbabayad pa siya ng abogado niya.

Iyan ay isang mahabang legal battle. Hintayin natin kung ano ang mangyayari sa korte, o kung magkakabayaran na lang sila.

Pero sa mga pangyayari, sasabihin ninyong break na sina James at Nadine? 2020 na po.

vuukle comment

NADINE LUSTRE

VIVA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with