^

PSN Showbiz

Ruffa tinilian ang anak ng ex na nakakulong

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Ruffa tinilian ang anak ng ex na nakakulong

Very Ruffa na “Oh my God!” ang tili ni Ruffa Gutierrez nang makasama niya sa taping ng Dear Uge ang anak ng unang boyfriend nitong si Dennis da Silva na si Faith da Silva.

Produkto ng Starstruck si Faith na kasama sa bagong drama series ng GMA 7 na Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday na magsisimula na sa Lunes, January 27 pagkatapos ng 24 Oras.

Ang laki nang iginanda ni Faith dahil pumayat ito kaya parang beauty queen na ang kanyang dating.

Isa rin daw sa balak niya ay ang pagsali sa beauty pageant, pero matagal pa raw iyun dahil kailangan niyang paghandaan.

Kuwento ni Faith sa nakaraang mediacon nito, nagkasama raw sila ni Ruffa na nag-guest sa Dear Uge at nagpakilala siya pagkatapos ng taping,

Aniya; “Nag-taping ako for Dear Uge one time. And then sinabi po sa akin ni Direk Mark — si Direk Mark Sikat din po ang direktor namin noon —sinabi niya na, ‘Huwag mo munang sabihin na ikaw ‘yung ano, ha, anak ni Dennis?’ Sabi ko, ‘Ok po.’

“Tapos, noong gabi na, before kami ma-pack up, sabi ko, ‘Hello po, Miss Ruffa. Ako po, ahhm, I’m the daughter of Dennis da Silva.’

“Tapos, gulat na gulat siya. Sabi niya, ‘Oh my God! Nakakaloka ka!’ Sabi niya, ‘Mag-picture nga tayo dito!’ Tapos, nag-picture kaming dalawa.

“Sabi niya, kamukhang-kamukha ko nga raw si Papa.”

Hanggang ngayon pala ay hindi pa rin nagkikita sina Faith at ang Daddy Dennis niya.

Two years old pa lang daw siya nung nakulong ang dating aktor at hindi nga siya lumaki sa kanyang ama.

Aminado siyang may galit pa raw siya noon sa kanyang ama, at parang ikinahihiya pa nga niya noon dahil nakakulong ito.

 “Ngayon, tanggap ko na nangyari ‘to sa ganitong rason, wala na akong magagawa dun,” pahayag ni Faith.

Ngayon ay pinaghahandaan na raw niya ang sarili na dalawin sa kulungan ang kanyang ama para magkakilala na sila. Pero may komunikasyon naman daw silang dalawa, pero hindi pa sila personal na nagkikita.

“Hinihintay ko lang po yung time na maging ready ako 100 percent,” saad ni Faith.

Kontrabida si Faith dito sa Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday, pero wish din daw niyang maging bida sa isang programa ng GMA 7 na mala-Marimar daw ang dating.

MTRCB Uncut maraming binago

Itinuloy pa rin pala ng Movie and Television Review and Classification Board Chairperson Rachel Arenas ang programa ng naturang ahensya na MTRCB Uncut.

Hindi naman daw na-reformat, pero mas iba raw ngayon kung ikukumpara nung mga nakaraang episodes.

“It’s quite different from what you see on TV, the MTRCB Uncut before. The traditional talk show.

“So, it’s something more fun, no holds-barred interview with people that we work with, and stars also as well and directors, and we also have guests that we are going to interview in the next couple of months that I think you’d be interested to watch.

“We wanted also for the public to see the workings of MTRCB and at the same time, the board members also and…kasama na rin ang employees yung responsible for processing their papers.

“Actually, the whole agency is featured,” pahayag ni Atty. Arenas.

Regular pa ring napapanood ang MTRCB Uncut tuwing Biyernes ng alas-otso ng gabi sa PTV 4.

vuukle comment

FAITH DA SILVA

RUFFA GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with