^

PSN Showbiz

Yam naglagi sa morge!

Pilipino Star Ngayon
Yam naglagi sa morge!
Yam

MANILA, Philippines — Ipinagmamalaking ihandog ng Viva Films at Alliud Entertainment ang unang kolaborasyon nina direk Yam Laranas at ng bituwing si Yam Concepcion sa horror movie na “Night Shift”.

Ang kwento ay iikot sa morge kung saan ang karakter ni Yam Concepcion na nagngangalang Jessie ay nagtatrabaho bilang assistant ng isang pathologist.

Hindi naniniwala si Jessie sa mga kababalaghan, ngunit nang gabing ‘yon, nakaririnig siya ng mga tunog na tila galing sa mga bangkay. Higit pa roon, nakikita niya ang paggalaw ng mga ito. Habang tumitindi ang kanyang takot, nagsimulang mag-isip si Jessie tungkol sa ideya ng Huling Paghuhukom. At kung totoo ngang ang mga patay ay muling babangon, ang kanya namang pagkamatay ang sobra niyang kinatatakutan.

Sa isang panayam na lumabas sa thewrap.com nagbigay ng ilang puntos si direk Yam Laranas kung paano lumikha ng horror movie.  Aniya, “I want to see what’s real out there and I translate them into (a) real scary (story) because that has a connection to a lot of people…It becomes relatable. And when you translate that into something horrifying, it touches people’s fears, nightmares and skeletons in their closet.”

Dagdag pa niya, “location is another character in a horror film. It is where fear and paranoia are created.”

Ayon sa direktor, mahalaga rin ang musika para paigtingin ang kilabot sa pelikula. Kaya naman muli siyang nakipagtambalan sa mga taong na­ging responsible sa award-winning music and sound ng pelikulang Aurora na sina Oscar Fogelström at Albert Michael Idioma.

Sa kanyang Instagram post, inihayag ni Yam Concepcion ang kanyang paghanga sa mga taong nasa likod ng kanyang pelikula. Aniya, “I am impressed how efficient every single one is in the team.” 

Palabas na ang Night Shift sa mga sinehan simula Enero 22, 2020.

vuukle comment

YAM CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with