^

PSN Showbiz

Gaganap na asawa ni Mother Lily, hinahanap pa!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Gaganap na asawa ni Mother Lily, hinahanap pa!
Mother Lily

Excited ako sa isasalin sa pelikula na life story ni Mother Lily Monteverde dahil isa siya sa mga pinaka-colorful personality sa Philippine showbiz.

Cute para sa akin na si Judy Ann Santos ang gaganap na Mother Lily at ang gusto pa ni Mother, tatlo ang aktor na gaganap sa karakter ng asawa niya, si Father Remy Monteverde.

Saksi ako sa mga ganap sa buhay ni Mother Lily kaya alam ko na kapag ginawa na pelikula ang lifestory niya, maraming subplot at twist.

Isa nang icon sa Philippine entertainment industry si Mother Lily kaya tiyak na marami ang gusto na mapanood sa pelikula ang kuwento ng buhay niya.

All-star cast ang pinaplano na filmbio ni Mother dahil sa napakaraming artista na kasali, ang mga artista na binigyan niya ng malaking break sa pelikula at willing na magkaroon ng special participation ng walang talent fee, for the love of her.

Kulang ang dalawa at kalahating oras para maikuwento ng buong-buo sa pelikula ang journey ni Mother mula sa pagiging fan hanggang maging movie producer at institusyon sa Philippine entertainment industry.

Wish ko lang, matapos ang pelikula dahil continuing story ang buhay ni Mother as in walang ending.

Ang feeling ko lang nahihirapan si Mother Lily na maghanap ng aktor na gaganap na Father Remy para sa filmbio niya.

May mga nag-suggest kay Mother ng iba’t ibang pangalan ng mga aktor like Dingdong Dantes, Dennis Trillo etc.

Ang hinahanap ni Mother, isang artista na matangkad at magaling maglaro ng basketball dahil matangkad at former basketball player si Father Remy.

May nagbanggit sa pangalan ng isang aktor pero parang hindi bagay dahil may tsismis na baklita siya, in real life.

Abangan na lang natin ang announcement ni Mother at ng kanyang daughter na si Roselle Monteverde tungkol sa aktor na napili nila para gumanap na Father Remy.

I love you Mother Lily.

Prince Harry at Meghan gustong magpaka-normal!

Iba rin si Prince Harry at ang kanyang misis na si Meghan Markle dahil iiwan na nila ang pagiging royals, kapalit ng pagiging ordinary citizens na ikinagulat ni Queen Elizabeth ng United Kingdom.

Balitang-balita na gusto ng mag-asawa na tahimik na manirahan sa Canada, alang-alang sa kanilang anak na si Archie. Malaking bahagi ng love story nina Prince Harry at Meghan ang Canada dahil dito sila madalas magkita noong dating pa lamang ang estado ng relasyon nila.

Wow di ba? Ibang-iba talaga ang pananaw ni Prince Harry na pinakasalan ang isang American divorcee at ngayon, tatalikuran niya ang pagiging number 6 sa naka-line up sa trono ni Queen Elizabeth.

Makikita sa mga aksyon at desisyon ni Prince Harry na open-minded siya, ang  aggressiveness to find his own path at ang ugali na minana niya mula sa kanyang nanay na si Princess Diana na carefree,liberal at hindi laging by the rule ang galaw.

At ang maganda kay Prince Harry, inilalaban nito ang feelings niya, ang kanyang love at ang mga bagay na makapagpapasaya kay Meghan.

Modern day romance talaga ang peg nina Prince Harry at Meghan. Expect the unexpected, ang surprises everyday. Congrats Prince Harry and Meghan, love wins!

vuukle comment

MOTHER LILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with