^

PSN Showbiz

Maine at Arjo sa kasalan na ang tuloy?!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Maine at Arjo sa kasalan na ang tuloy?!
Maine at Arjo

Marami ang bumilib kay Maine Mendoza na matapang niyang sinagot ang mga patuloy pa ring namba-bash kay Arjo Atayde.

Kaagad niyang sinagot ang mga nagpa-trending ng #NoToTheUserArjo ng hashtag din niyang #YesToArjo.

Ang dami na rin naman ka­sing hinarap ng relasyon nilang dalawa, nalagpasan na nila at naka-one year na sila ngayon.

Kaya kahit ano pang sasabihin ng ilang fans na nagpipilit ng gusto nilang mangyari, wala na silang magagawa dahil masaya silang dalawa.

Nakatsikahan nga namin sandali si Sylvia Sanchez, talagang umaatras na siya kapag tungkol kina Arjo at Maine ang mga tanong.

Ayaw na niyang sagutin ito at nakikiusap na siyang huwag na siyang tanungin tungkol sa kanilang dalawa.

Bilang ina ay masaya lang siya para sa kanyang anak.

Kaya tinanong na rin namin siya kung sakaling mapunta na nga sa kasalan ang relasyon ng dalawa, nakahanda na rin naman kaya siya?

“Matanda na si Arjo eh,” tipid na sagot ni Sylvia.

Ayaw na niya kasi talagang magsalita kapag tungkol sa relasyon ng dalawa.

Pero agree naman si Sylvia nang sumingit sa usapan si Manay Lolit Solis na nasa tamang edad na si Arjo at mukhang seryoso na ang dalawa na puwedeng mauwi sa kasalan ang kanilang relasyon.

Sinabi naman kasi ni Maine nang magpa-presscon ang Mission Unstapabol na bakit pa siya makipagrelasyon kung hindi naman mauuwi sa seryosong pagsasama o maaring sa kasalan na.

Nakikitang masaya siya at talagang ipinaglalaban niya si Arjo. Kaya, siguro dapat nang tanggapin ng fans nila ang seryosong relasyon nina Arjo at Maine.

Vice kumita pa rin kahit hindi no. 1 sa MMFF

Maaring ibibigay na ngayong araw ng Executive Committee ng Metro Manila Film Festival ang kinita ngayong filmfest.

Kahit sabihin pang hindi ito ka­sinlakas ng MMFF nung nakaraang taon, hindi naman masasabing mahina.

As of Sunday, January 5, halos 920M na ang kinita ng walong pelikulang kalahok.

Ilang milyon na lang, puwede na itong sumam­pa sa isang bilyong piso.

Hindi na masama iyun, considering na apektado ng bagyong Ursula ang Visayas at Min­danao, at mahal na rin kasi ang ticket sa sinehan.

Kung kaya pa dati ng mga tao ang manood ng lima hanggang walong pelikula, ngayon ay mahirap nang maka-tatlo dahil sa mahal na presyo ng ticket.

Kaya maituturing pa ring tagumpay ang ngayong taong MMFF, at sana ganun pa rin sa susunod na taon.

Ang isa lang sa mga obserbasyon sa ngayong taong filmfest ay natalo si Vice Ganda bilang topgrosser.

Ang daming naglalabasang opinyon, na ang karamihang napapansin namin tila natutuwa silang nangyari ito kay Vice Ganda.

Kung hindi ako nagkakamali, pitong taon na ring namamayagpag ang mga pelikula ni Vice Ganda at hindi ito matalu-talo sa box-office.

May mga nagku-comment na parang minalas daw ngayon si Vice at wala naman daw kasing bago sa mga pelikula niyang ipinapalabas. Ganun at ganun pa rin daw.

Pero sa totoo lang, malakas pa rin itong The Mall The Merrier ni Vice Ganda kahit hindi pa ito nag-number one.

Hindi puwedeng sabihing minalas ang isang pelikulang kumita ng mahigit 300M. Hindi nga lang nag-number one, pero malakas pa rin at hindi maituturing na flop.

Kaya marami pang dapat ipagpasalamat si Vice Ganda dahil nandiyan pa rin ang lakas niya sa takilya.

Ang tanong ng karamihan, ano kaya ang bago niyang isasali sa susunod na MMFF?

Bagong kumbinasyon kaya? Kasi, kaya hindi raw ito ganun kalakas dahil araw-araw na siyang nakikita sa It’s Showtime kasama si Anne Curtis. Kaya dapat bagong kumbinasyon at bagong team ang hahawak para iba ang look.

Sa susunod na MMFF ay may bagong kumbinasyon daw na sasali na malaking artista ang involved.

Merong magbabalik tambalan, pero pambata pa rin ang karamihang isasali.

Pero bago ‘yan, alamin muna natin kung sinu-sino ang mga interesadong sumali sa Summer Metro Manila Film Festival.

Ang dinig kasi namin ay ang mga naligwak ngayong MMFF.

Kahit masasabing naligwak, mas maganda ito ‘di hamak sa mga nakapasok na entries.

Dapat na makapasok dito ang Isa Pang Bahaghari ni direk Joel Lamangan at ang Tagpuan ni direk Mac Alejandre.

Abangan natin ang susunod na announcement ng MMFF kaugnay rito.

vuukle comment

ARJO ATAYDE

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with