^

PSN Showbiz

James and Nadine umakyat sa bundok

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon

Tama ang kuwento na nagkatampuhan nga at halos nag-split na raw sina James Reid at Nadine Lustre, pero mali ang kuwentong natuluyan na silang naghiwalay. In fact, noong nakaraang New Year, magkasama na namang muli ang dalawa at ilang kaibigan na nag-mountain climbing pa sa Mt. Ulap.

“Hindi naman kasi dapat paniwalaan agad ang away ng mga batang iyan, kasi basta nagkadikit iyan bati na naman. Ang problema may naniwala, tapos nagkalat agad,” sabi ng aming source. “Ang dami ngang nagtatanong sa akin tungkol diyan, bakit ko naman sasabihin kung ano ang alam ko? Bakit naman ako makikialam, in the first place hindi ko naman mga ka-close iyong nagtatanong,” dagdag pa niya.

Ang totoo raw, ang split ay tumagal lamang ng tatlong araw. Maraming nakakatawang detalye, pero huwag na nating banggitin pang lahat iyon, pero ang totoo, magkasundo na nga ang dalawa ulit.

Hindi rin daw totoo na umalis na si Nadine sa kanyang kumpanya. Pumirma lang siya ng recording contract sa kumpanya ni James, dahil wala naman siyang recording contract sa Viva. Pero iyong management, “naka-kontrata pa siya”. Hindi rin naman daw totoong pinababayaan na si Nadine, pero siya mismo ang tumatanggi sa mga project dahil may kasunduan nga raw sina Nadine at James na pareho silang hindi muna tatanggap ng projects at magko-concentrate sa music kung saan sila ang magkatulong na bumubuo. Iyon ang dahilan kung bakit walang projects si Nadine at wala ring bagong endorsements.

Minsan maganda iyong iniimbestigahan mong mabuti ang mga issue eh. Kasi nga may mga biglang magkakalat ng mga issue, na hindi mo naman alam kung ano ang motibo. Mga feeling “I know it all eh” ang biktima naman iyong napaniwala nila in the end. Kasi pagkatapos ayaw na nilang aminin na sila ang source at ang isasagot pa “sinabi ko na sa iyo huwag mong sasabihin na ako ang source mo,” Hindi ba naman.

Ice at Liza wala nang pag-asang maging legal ang kasal

Wala nang pag-asang kilalaning mag-asawa sina direk Jun Lana at direk Perci Intalan. Ganoon din naman sina Ice Seguerra at Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Diño. Kasi final na ang naging desisyon ng korte suprema na hindi pinapayagan ang same sex marriage sa Pilipinas. Bagama’t sinabi ng Korte Suprema na maliwanag sa batas na iyon ay hindi kinikilala sa Pilipinas, at ang pagiging bakla at tomboy ay kinikilala ring ground for annulment, mas makabubu­ting sa kongreso dalhin ang usapin para makagawa sila ng bagong batas na kikilala sa kasal ng mga bakla at tomboy.

Ibig sabihin, hanggang hindi napapalitan ang umiiral na Family Code, o walang naidadagdag na amendments doon, walang pag-asang kilalaning mag-asawa ang mga bakla at tomboy na nagpakasal.

Tuloy pa rin naman ang pagpapakasal ng mga bakla at tomboy. May isang iglesia na ang pari ay may asawa ring lalaki, ang nagkakasal sa mga bakla at tomboy. Hindi naman maaawat iyon dahil relihiyon nila iyon, pero hindi kikilalanin ng batas ang kasal.

ASAP at All Out... sino ang tunay na nagwagi

Sa survey ng AGB Nielsen, lamang ang bagong show ng GMA-7 sa ASAP Natin ‘To 6.1%-5.7%. Sa survey naman ng Kantar Media, lamang ang ASAP 11.7% sa GMA 9.7%. Bahala na kayo kung ano ang paniniwalaan ninyo. Ewan lang, pero sa aming pagtatanong sa aming mga kapitbahay, dahil daw doon sa Tala dance ni Sarah Geronimo, mukhang mas kapani-paniwala ang survey ng Kantar sa pagkakataong ito.

At saka sinasamantala na rin naman ng mga tao, papano nga naman kung biglang mawala ang ASAP?

vuukle comment

JAMES REID

NADINE LUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with