^

PSN Showbiz

Alfred, kasama sa listahan ng TOYM

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Alfred, kasama sa listahan ng TOYM
Alfred

Ang yabang ko Salve dahil isa si Quezon City District V House Representative Alfred Vargas sa napili na Ten Outstanding Young Men o TOYM ng Junior Chamber International.

Siyempre proud mother hen ako dahil matagal ko nang alaga si Alfred na ipinagmamalaki ko na napakabait, marespeto at may focus na anak ko sa showbiz.

Hindi naman kataka-taka dahil graduate si Alfred sa Ateneo de Manila University bago siya  pumasok sa showbiz.

Kahit busy siya sa kanyang mga responsibilidad bilang house representative ng District V ng Quezon City, nag-enroll si Alfred ng Masters in Public Administration sa University of the Philippines.

Isang mahusay na artista si Alfred at ngayon ay isang working hard politician na ikinararangal  ng constituents niya sa Novaliches.

Pero higit pa riyan, ipinagmamalaki ko ang pagiging mabuting asawa at ama ni Alfred. Matatag ang pagsasama nila ni Yasmine na hands on sa pag-aalaga ng tatlong anak nila.

Soaring high and higher si Alfred sa kanyang tinatahak na landas. So proud of him. He’s one loyal person I will always treasure and love. A very precious gem. I love you Alfred. Salute!

I’m sure, feeling proud din ang nanay ni Alfred na si Atty. Susana Dumlao Vargas aka Mommy Ching sa achievements ng kanyang anak.

Pumanaw ang mommy ni Alfred noong 2014 at kung saan man ito naroroon, tiyak na maligayang-maligaya siya sa mga nangyayari sa buhay ng kanyang anak.

Tutol noon  si Mommy Ching  sa pag-aartista ni Alfred  pero wala siyang nagawa. Nagtampo si Mommy Ching pero nang mapanood niya si Alfred sa TV, siya ang naging number one fan.

‘Little things means a lot’

Alam mo Salve, little things talaga means a lot. Iyon pagdalaw sa atin ni Cong. Niña Taduran to personally greet and give us her gifts, iyon laging pagpunta ni Karen Martinez sa Obra ni Nanay pag meron tayong live ng Take it...Per Minute! (Me Ganun), iyon inuna tayo ni Jomari Yllana sa mga online show, nakaka-touch sa puso.

More than what they give, or the gifts given, iyon feeling of importance na pinadarama nila, mahirap kalimutan.

Rachel

Isa pa, iyon effort ni Chair Rachel Arenas na kahit ano ibigay niya nandun ang initial ng pangalan natin na sabi ko nga para siguro hindi mai-recycle hahaha! Joke!

Eversince nata-touch ako sa munting effort of showing they remember and care. Hindi ba kaya ako naging close sa inyo ni Rose dahil sa mga tinapa at daing na laging pasalubong niyo everytime galing kayo ng Bicol at Bataan?

Dapat bawat tao meron ganyang effort for their friends, parang kasabihan I remember moments, I don’t remember days, iyon din ang ibig sabihin ng little things means a lot. Happy Christmas.

Julie Anne & Rayver

The Clash maraming nadidiskubre

Ang daming nag-aabang sa grand finals ng Season 2 The Clash para makita kung sino na ang mananalo.

Marami ang nagsasabi na ang The Clash ang tunay na venue para sa mga  baguhang singer na nangangarap na makilala.

Naipakita nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz sa The Clash ang galing nila sa hosting, Napanood din natin sa The Clash ang magandang team up nina AiAi delas Alas, Christian Bautista at Lani Misalucha bilang mga hurado.

Naiiba rin ang kilig na hatid ng Clashmates na sina Ken Chan at Rita Daniela, lalo na ang singing talent ng The Clashers.

Dapat na ituloy-tuloy ng GMA 7 ang The Clash dahil napakaraming ta­lented singers ang natutulungan ng kanilang sikat na singing competition.

vuukle comment

ALFRED VARGAS

JULIE ANNE SAN JOSE

RAYVER CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with