^

PSN Showbiz

Kahit wala pa ring maipalit kay John Lloyd Shaina hindi na tutuloy sa pagmamadre!

Vinia Vivar - Pilipino Star Ngayon
Kahit wala pa ring maipalit kay John Lloyd Shaina hindi na tutuloy sa pagmamadre!
Shaina

Wala pa ring bagong pag-ibig si Shaina Magdayao matapos ang break-up nila ni John Lloyd Cruz noong 2012. Bagama’t up to now ay nali-link sila ni Piolo Pascual, consistent naman sila sa pagsasabing friends lang sila.

Kaya naman sa presscon ng bago niyang serye sa ABS-CBN na The Haunted ay natanong si Shaina kung talaga bang tuluyan na niyang isinara ang puso niya para sa bagong pag-ibig.

“Never ko tinalikuran ‘yung fact na puwede pa ko ulit umibig,” sagot ni Shaina. “Pinahinga ko lang ang puso ko. And at the same time, maraming trabaho na pumasok.

“But other than that, hindi ko naman siya tinataguan, hindi ko rin siya hinihindian. Hindi lang siya dumadating pa. And kung dumating naman, sasabihin ko naman.”

‘Yung balita before na gusto niyang magmadre ay hindi raw dahil sa gusto niyang talikuran ang love or marriage.

“It’s just that I had a calling of service and I still do. And na-associate ko lang ‘yun sa pagma-madre – ‘yung calling of service, which is being selfless. Kaya akala ko, pagma-madre.

“But now that I have a foundation, ‘yun ‘yung nagiging sagot sa akin na hindi ko naman kailangang pumasok ng kumbento for me to be able to help people.

“And at the same time, one of my dear bosses told me na ‘Shaina, hindi lang pagma-madre ang service. I mean, you can also serve in this business as an actress,’” pahayag pa ni Shaina.

‘Happy naman ang aktres ngayong Pasko kahit walang lovelife dahil sa pagpasok ng bagong trabaho, ang horror drama na The Haunted na magsisimula na ngayong Sunday, Dec. 8 bilang kapalit ng Parasite Island.

Sobrang excited nga ng aktres dahil makakasama na naman niya si Denise Laurel na nakatrabaho niya before sa The Better Half at si Jake Cuenca na 2012 pa niya huling nakatrabaho sa Kung Ako’y Iiwan Mo.

Ayon kay Shaina ay deciding factor daw niya talaga for accepting this project ay ang kanyang leading man at direktor na si Manny Palo. 

vuukle comment

DENISE LAUREL

JOHN LLOYD CRUZ

PAGMAMADRE

SHAINA MAGDAYAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with