^

PSN Showbiz

John Lloyd gusto na agad pagawin ng baby si vhong

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
John Lloyd gusto na agad pagawin ng baby si vhong

“Gawa kayong baby, pare. Gawa kayong maraming baby. Masaya,” ang message ni John Lloyd Cruz sa bagong kasal na kaibigang si Vhong Navarro kay Tanya Bautista sa Kyoto, Japan habang natatawa.

“Parang iyon ang magpapaganda sa mundo, maraming babies para palitan ‘yong mga katulad natin,” dagdag niya sa video post na ini-upload ni Dra. Vicki Belo na isa sa mga naging ninang.

Lately nga ay visible si John Lloyd at nakikitang kasama ang kanyang anak kay Ellen Adarna na in all fairness ay bumalik na sa dati ang awra.

Pero nauna na ngang sinabi ng isang ABS-CBN insider na wala pang naka-line up na TV project for him though may gagawin nga itong movie with Bea Alonzo sa 2020.

Anyway, hanggang kahapon ay super trending pa rin si Vhong dahil nga sa cute na kasalan nila ng long time GF niyang writer ng ABS-CBN na parang lahat ay positive energy ang naramdaman kahit sa mga posting sa social media.

Wala silang maipintas at lahat ay naaaliw kahit hindi sila gaanong familiar sa naging misis ng comedian / TV host.

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with