^

PSN Showbiz

Isyu sa SEA Games humuhupa na

Pilipino Star Ngayon
Isyu sa SEA Games humuhupa na
Janella

Medyo humupa na ang mga hanash sa paghahanda sa SEA Games, pero meron pa ring mangilan-ngilang puna pa kaming nababasa sa social media dahil sa ilan pang kapalpakan sa paghahanda nito.

Kahapon ay nai-post ang pagkastigo sa isang catering na ginawang table cover ang ating Philippine flag. Galit na galit dito ang mga netizens.

May ilan ding celebrities na tumitira  rin pero ang sabi nga ng ilang nagtatanggol sa mga taga-Phisgoc o Philippine SEA Games Organizing Committee, sana tapusin na lang muna ang SEA Games bago mambira sa social media dahil hindi na raw ito nakakatulong  sa malaking sports event na ginaganap dito sa atin.

Isa sa nagtatanggol at mahaba rin ang hanash sa kanyang Facebook account  ay ang VP for Social Responsibi­lity Group ng PAGCOR na si Jimmy Bondoc.

Sabi niya sa kanyang Facebook account, sa Team Filipinas daw ba tayo o sa Team Talangka?

Ang pakiusap lang ni Jimmy, sana tapusin daw muna itong SEA Games bago pumutak at maghanap ng mali para i-post sa kanilang social media account.

 “Sabihin na po natin na kunwari lang na talagang may mali, sa palakad may pagkukulang.

“Tama po ba? Sa isang bayan na We Win As One…tama po ba na gawin lahat na paninita na ‘yan bago magka-SEA Games?

“Iyun lang sa akin. Kasi para sa akin, sabihin nating maraming mali na nangyayari, hindi ba kaya ng taumbayan na hintayin?” pahayag ni Jimmy nang makapanayam namin nung nakaraang Lunes sa programa naming Showbiz Talk Ganern sa DZRH.

Maricel mahusay na mambabarang Janella hindi pa ready na ibuking ang relasyon nila ni Markus

Suportado ng mga kaibigan ng main cast ng The Heiress ang kanilang premiere night na ginanap sa Cinema 7 ng SM Megamall nung isang gabi.

Dumating ang magkasintahang Maja Salvador at Rambo Nuñez, Arjo Atayde, Alexa Ilacad, at Pamu Pamorada ng PBB.

Sabi ni Janella Salvador, hindi pa raw niya naiimbita si Maja na nagprisinta itong dadalo siya sa premiere night para sumuporta sa pelikula niya.

“Sobrang thankful ako sa lahat na nagpunta. Especially yung cast ng Killer Bride, nagpunta sila. Si Ate Maja, siya mismo nagsabing ‘support natin yung movie ni Emma (character niya sa Killer Bride),” pahayag ng Kapamilya young actress.

Namataan din naming  nanood si Markus Patenson na nali-link kay Janella, pero kaagad na iniwas siya ng taga-Star Magic sa movie press na gusto sanang mag-interview sa kanya. Kaagad siyang pinaalis pagkatapos ng pelikula.

Binanggit ko kay Janella na nandun din si Markus, “of course!” ang mabilis niyang sagot na may pagkatamis-tamis na ngiti.

Sinundan ko siya ng tanong kung sa anong level na ba ang relasyon nilang dalawa, pero napakibit-balikat lang siya na nakangiti pa rin. “Pag ready na kami sasabihin namin sa inyo,” makahulugan niyang sagot sa amin.

Si Arjo naman ay suporta siyempre kay Maricel Soriano, ang Nanay Sabel ni Elai ng General’s Daughter.

Doon na rin ay tinanong namin ang Kapamilya actor kung napaplano na ba ang dinner nila uli kasama na ang pamilya ni Maine Mendoza.

“Opo,” medyo naaalangan niyang sagot.

“Sa amin na lang po muna yun and I’m happy na may time kami with our family,” sabi pa niya.

Nakasabay din nila roon ang premiere night ng Unbreakable at nagtilian din ang fans na nakatambay sa The Heiress nang dumaan doon sina Richard Gutierrez, Ian Veneracion at Bea Alonzo.

Napansin lang namin, karamihang taga-media na naglagare sa kasabay na Unbreakable ay dito sa The Heiress sila nanood, at tinapos talaga nila.

Bagay nga itong pang-MMFF na obvious namang ginawa ito ni direk Frasco Mortiz para sa naturang filmfest. Kaya curious tuloy ako kung gaano kaya kaganda ang nag-iisang horror sa MMFF na Sunod, para ito ang piliin over The Heiress.

Showing na ngayon ang The Heiress, na tiyak na ikatutuwa ito ng mga fans ni Maricel na magaling pa rin at bagay sa kanya ang role bilang tiyahin ni Janella na mambabarang.

Pagkatapos nga ng screening, mahigpit na nagyakap sina Maricel at Roselle Monteverde na tuwang-tuwa sa kinalabasan ng pelikula.

Medyo emotional si Maricel dahil sa magagandang feedback sa performance niya rito.    

Nakorner ko rin doon ang anak ni Maricel na si Marron Soriano na todo rin ang suporta sa lahat na mga pelikula ng Mommy niya.

Sabi niya; “Super proud ako. It’s a very good comeback.

 “Nag-enjoy talaga ako, sobrang nakakatakot.”

Nagpasalamat din siya sa mga fans ng Diamond Star dahil hanggang ngayon ay nakikita raw niyang nandiyan sila para sumuporta.   

“I feel so blessed, kasi siyempre all these years nandiyan sila,” saad ni Marron.

Maricel

 

vuukle comment

JANELLA SALVADOR

MARICEL SORIANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with