^

PSN Showbiz

Juday hindi inilihim kay Yohan ang pagiging ampon

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Juday hindi inilihim kay Yohan ang pagiging ampon
Juday & Yohan

Hindi inilihim sa publiko ni Judy Ann Santos ang pagiging ampon ng panganay nilang anak ni Ryan Agoncillo na si Yohan. Ayon sa aktres ay agad din niyang ipinaalam sa anak ang sitwasyon kahit sa murang edad ng bata noon.

“Early on pa lang naman ng relationship namin ni Yohan, no’ng kaming dalawa pa lang. Alam ko nang nakakaintindi na siya, sinabi ko na sa kanya, pinaintindi ko na sa kanya. I explained to her. Kasi ayoko na magkaroon siya ng grudge na itinago ko sa kanya. Ang fear ko kasi may ibang taong magmarunong at mag-atribida na sabihin. Tapos not in a nice context tapos maging iba ‘yung dating doon sa bata. So it was a decision I had to make, crossing my fingers, lifting everything to the Lord na bahala ka na do’n,” pagbabahagi ni Judy Ann.

Matatandaang taong 2005 pa nang ampunin ng aktres si Yohan. Dalaga pa noon si Judy Ann pero naging maayos naman ang relasyon nila bilang mag-ina hanggang sa ngayong lumaki na ang pamilya ng aktres. “Ngayon mas napapag-usapan na namin nang maayos, naging kumportable sa kanya. Naipaintindi ko sa kanya na being adopted is not a bad thing. It is actually the most beautiful word in the world. Simply because I adopt you because I want you to be my family. I chose you. Sabi ko sa kanya, ‘You were the first one who came before dad. So I was a mother first before a wife so tandaan mo ‘yan.’ So noong una medyo hindi niya pa makuha pero eventually naintindihan na niya,” nakangiting pahayag ng aktres.

Alexa nagmo-move on na

Ikinagulat ni Alexa Ilacad ang isang mensahe ni Nash Aguas sa Instagram para sa kasintahang si Mika dela Cruz kamakailan. Nagkaroon ng espesyal na ugnayan sina Alexa at Nash sa loob ng ilang taon bago pa naging kasintahan ng aktor si Mika.

“13 years and I still love you.’ I was shocked, I knew in my heart that they never lost connection, that there is a special place in Nash’s heart for Mika. Napaisip lang ako when I read that ‘13 years’ thing. Kasi inside that thirteen years I was there. So when you say that, ‘13 years and I still love you,’ where was I? 4 to 5 years, maybe that hour I cared but I then said to myself, ‘Not worth your time, move on,’” makahulugang pahayag ni Alexa.

Maraming mga proyekto ang pinagtambalan ng dalaga at ni Nash kaya nagkaroon ng ‘mutual understanding’ ang dalawa ng ilang taon. Kahit napaisip si Alexa sa naging post ng aktor ay wala naman daw siyang intensyon na siraan ang binata.

“When I said na napaisip ako reading that, I did not mean to sound like sinisiraan ko siya, na masama siya, na I am so kawawa, I didn’t mean that, I just said it as it was. We have enough respect for each other,” giit ng aktres. Reports from JCC

vuukle comment

JUDAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with