^

PSN Showbiz

Alden may chance kay Blackpink Lisa?!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Alden may chance kay Blackpink Lisa?!

Cute para sa akin at nakaka-relate ako kay Alden Richards na crush si Lisa ng BlackPink. Kahit ano pa ang sabihin ng iba, totoong nangyayari ito na nagkakaroon tayo ng special feelings para sa mga celebrity na napapanood natin.

Open sina Sharon Cuneta at Anne Curtis sa pagsasabi tungkol sa mga Korean oppa na type nila.

Delayed naman ang fangirling ko dahil ngayon lang ako nakaranas na maging fan nang ma-in love ako kay Jo In-sung kaya relate na relate ako sa nararamdaman ni Alden para kay Lisa ng BlackPink.

Natuwa nga ako sa announcement ni Alden na ang South Korea ang venue ng Christmas trip nila ng kanyang pamilya.

Naalaala ko ang poster hunting experience ko sa Seoul dahil pictorial ako nang pictorial sa mga poster ng mga Korean celebrity.

Siguro naman, hindi ‘yon gagawin ni Alden at baka tulungan siya nina Joey Abacan at Gigi Lara sa Korean connections ng dalawa para makilala niya si Lisa nang personal.

Bongga ha, kung alam lang ni Lisa na masuwerte ito dahil crush siya ni Alden. Naka-jackpot siya sa binata kung sakali.

Mabuti pa si Alden, may chance kay Lisa. Ako, wala nang chance kay Jo In-sung. It’s unfair, unfair.

Dorothy fan na fan ng TIPMMG

Sayang Salve umalis ka nang dumating si Dorothy sa Bambbi Fuentes Salon, ang da­ting marke­ting person ng Belo Medical at PR na ngayon ng Dohtonbori Japanese restaurant.

Nakumbinsi ko si Dorothy na dalhan tayo ng food sa Take It... Per Minute! (Me Ganun) dahil ang Japanese food ang number one na type ko na kainin.

Mabuti na lang, pinapanood ni Dorothy ang show namin nina Cristy at Mr. Fu. Gusto ni Dorothy na humingi ako ng good for 15 people na food at nag-promise ako na eat ko sa harap ng kamera ang mga pagkain ng Dohtonbori na talagang masarap, fresh na fresh ang mga ingredients na ginamit at very reasonable pa ang presyo.

Bongga siya at dahil fan si Dorothy ng Take It…Per Minute, fan na rin ako ng Dohtonbori Japanese restaurant.

KZ na-trauma sa US shows

Traumatic pala ang expe­rience ni KZ Tandingan sa US shows niya kaya iyak siya nang iyak sa presscon ng The Art of Ligaw.

Sa kagustuhan ni KZ na ma-entertain ang mga kababayan natin sa Amerika, itinuloy niya ang concert, kahit nag-iisa siya. Pinairal daw ni KZ ang pagiging professional dahil ayaw niya na ma-disappoint ang mga Pinoy na gumasta para mapanood siya nang personal sa isang concert.

Kung tutuusin, puwedeng magmaldita si KZ dahil nga niloko sila ng show promoter pero umiral ang kabutihan niya.

May legal action daw na gagawin ang manager ni KZ laban sa show promoter na nanloko sa kanila.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

BLACKPINK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with