^

PSN Showbiz

Jed Madela 'pangarap' maka-collab ang vlogger na si Mimiyuuuh

James Relativo - Philstar.com
Jed Madela 'pangarap' maka-collab ang vlogger na si Mimiyuuuh
Nang tanungin kung paano niya gusto makatrabaho ang vlogger, ito ang sinabi ni Jed: "Tuturuan niya akong kumanta."
File; Instagram/mimiyuuuh

MANILA, Philippines — Sa kasalukuyang punto ng karera bilang mang-aawit, inilahad ni Jed Madela na marami siyang gustong makatrabaho ngayon sa industriya ng showbiz.

Pero ang kanyang pinakapapangarap daw, ang maka-collab ang nasa likod ng viral video ng "Dalagang Pilipina."

"[A]ng pinaka-dream collab ko si Mimiyuuuh," pagbabahagi niya sa panayam ng News5.

Sa sobrang katanyagan ng nabanggit, aabot na ng limang milyon ang views ng kanyang video sa Facebook, dahilan para gayahin na siya nang marami, kabilang ang ilang celebrities.

 

 

Nang tanungin kung paano niya gusto makatrabaho ang vlogger, ito ang sinabi ni Jed: "Tuturuan niya akong kumanta."

Kilala kasi ang vlogger sa maya't mayang niyang pagkanta nang may kulot sa mga Youtube videos.

"Mimiyuuuh, alam mo na, nagte-text na tayo, pero sobrang busy mo. Mag-block ka naman ng kahit ilang oras lang at turuan mo akong kumanta. 'Yung Mimiyu-uh-uh-uh-uh," dagdag ni Jed.

Ang social media icon, na noo'y laman lang ng internet, nilalapitan na rin ng malalaking brands dahil sa malawak niyang impluwensya.

Bagama't anim na buwan pa lang ang nakakaraan nang magsimula siyang mag-vlog noong Marso 2019, pumapalo na ng 1.14 milyon ang subscribers niya sa kanyang channel.

Sa ngayon, ibinahagi ng Hall of Famer ng World Championships of Performing Arts na sabik na sabik na siya sa mga paparating niyang mga collaborations sa iba't ibang artists at vloggers.

"Actually bukas, magco-collaborate kami ni John Mark Saga. We're doing like a collab," dagdag ni Jed.

"Hopefully, iba-ibang mga artists, makaka-collab ko rin." — may mga ulat mula sa News5

vuukle comment

JED MADELA

MIMIYUUUH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with