^

PSN Showbiz

Alexa may gustong patunayan kahit walang loveteam

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Alexa may gustong patunayan kahit walang loveteam
Alexa Ilacad

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakapagbida na sa pelikula si Alexa Ilacad. Masayang-masaya ang aktres dahil natupad na ang matagal na niyang pinapangarap. Bida ngayon si Alexa sa horror film na Santigwar na malapit na ring mapanood sa mga sinehan.

“Never po akong nag-lead. Madalang lang po akong mag-movie, laging teleserye po. Ito pong Santigwar ang pinakamalaki ko. Ang huli ko po ‘yung kay Ate Sarah (Geronimo) at saka kay Kuya John Lloyd (Cruz), ‘yung Finally Found Someone, sister niya ako do’n. Lagi akong kapatid, bago ‘yon, kapatid ni Ate Angel (Locsin) sa All About Her,” bungad ni Alexa.

Aminado ang dating child star na wala talaga siyang tiwala sa sarili noon kaya nagdalawang-isip pa muna bago tanggapin ang nasabing horror film.

“May tiwala po ako sa director ko at sa lahat ng bumubuo nito, pero wala akong tiwala sa sarili ko kaya hesitant ako na tanggapin ito. Kasi natakot ako na lead eh, una kaya ko ba ‘yung role, ‘yung work, ‘yung load. Kasi never pa akong nag-lead eh, laging either second lead or support which is okay lang din naman. Tapos mas natakot ako nang nalaman ko na ipapalabas siya sa sinehan. Sabi ko, ‘Hala, papanoorin ba ‘yan? May mga manonood ba niyan?’ Kasi nga po wala akong tiwala sa sarili ko. Aminin na po natin, hindi naman ako sikat. Nahihiya ako na gawin tapos walang manood,” pagtatapat ng aktres.

Matatandaang sumikat noon ang tambalan nina Alexa at Nash Aguas na mas kilala sa tawag na NLex. Ngayong walang katambal sa bagong pelikula ay may mga pagkakataong hinahanap-hanap daw ito ng dalaga. “Of course minsan napapaisip ako na, mas madali kasi ang pag-akyat ‘pag may love team. Kasi ‘yon ang kinakapitan ng tao. Pero if hindi siya ibigay sa akin, okay lang. That’s why I’m trying to do my best to show na I’m an actress talaga, na without love team pwede akong maging character actress or iba-ibang role. Ayoko rin munang makulong, nag-i-explore pa ako,” pagtatapos niya.

Jane ayaw maging vlogger

Isang linggo nang palabas ngayon sa mga sinehan ang pelikulang Ang Henerasyong Sumuko Sa Love. Ginampanan ni Jane Oineza ang karakter ni Maan Miranda na isang vlogger sa nasabing proyekto.

Ayon sa aktres ay marami siyang bagay na natutunan sa video blogging nang gawin ang pelikula. “Just be you, don’t be so quick to judge. Siyempre hindi lang millennials kundi sa lahat ng generations. Lahat tayo may kanya-kanyang pinagdadaanan and we all go through different ways to cope and to be okay. Let’s understand each other and love each other,” paglalahad ni Jane.

Maraming mga artista na ang gumagawa ng sariling video blogs pero wala raw balak si Jane na sumabak din dito. “Nauuso siya ngayon na parang lahat ‘yon na ginagawa. Again, wala akong idea so wala akong ma-contribute. Hindi ko alam kung anong masasabi ko. Kung gusto nilang mag-vlog, kung gusto nila mag-share ng life nila then okay lang naman. Wala namang problema as long as wala namang natatapakang tao or walang masamang nangyayari. Go lang,” nakangiting pahayag ng aktres. (Reports from JCC)

vuukle comment

ALEXA ILACAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with