^

PSN Showbiz

Juday malaki raw ang chance sa MMFF

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Juday malaki raw ang chance sa MMFF
Judy Ann

SEEN: Magpakitaan ng bank account ang hamon ni Robin Padilla sa lahat ng mga pulitiko na bumabatikos sa pagsama nina Cesar Montano at Phillip Salvador sa Russia trip ni President Rodrigo Duterte noong nakaraang linggo. Mariin na sinabi ni Robin na hindi gastos ng pamahalaan ang pagpunta nina Phillip at Cesar sa Russia dahil may mga pera ang mga artista.

SCENE: Ang pasabog ni Robin Padilla na maraming ginto na itinatago ang mga pulitiko na kanyang tinutukoy dahil hindi na magkasya sa vault ang kanilang mga pera. Hinamon din ni Robin ang mga kritiko ng mga artista na magpakita ng ebidensya na nagbabayad sila ng buwis.

SEEN: Nagsimula kahapon sa It’s Showtime ang Tawag ng Tanghalan, Celebrity Champions na nilahukan nina Lance Raymundo, Thor Dulay, Jay-R Siaboc at ng It’s Showtime dancer na si Stephen Robles. Ang singer at voice coach na si Thor ang tinanghal na daily winner.

SCENE: Natuwa si Vice Ganda sa pagsali ni Jay-R Siaboc sa Tawag ng Tanghalan. Kinumbinsi niya si Jay-R na maging active muli dahil confidence lamang ng singer ang nabawasan pero maganda pa rin ang boses nito. Cebu-based na si Jay-R at may dalawa nang anak.

SEEN: Kasali rin sa TNT, Celebrity Champions si Patricia Javier. Mapapanood sa Huwebes ang laban ni Patricia na pinaghahandaan na mabuti ang singing contest na sasalihan dahil wala siyang idea kung sino ang  mga celebrity na makakatunggali niya.

SCENE: Sina Kim Molina, Giselle Sanchez at Candy Pangilinan ang mga bida sa Tita’s of Manila, ang comedy concert na itatanghal sa Music Museum sa November 22, 2019. Special guest si Jon Santos.

SEEN: Ang balita na malaki ang posibilidad na maging official entries sa 2019 Metro Manila Film Festival ang Tripol Trobol at Mindanao. Si Coco Martin ang bida, director at producer ng Tripol Trobol at sina Judy Ann Santos at Allen Dizon ang lead stars ng Mindanao na mula sa direksyon ni Brillante Mendoza. Sa October 16, 2019 ang official announcement sa apat na pelikula na kukumpleto sa wMMFF 2019.

vuukle comment

JUDY ANN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with