^

PSN Showbiz

Yen hindi na masyadong nag-iisip, panay lang ang biyahe!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Yen hindi na masyadong nag-iisip, panay lang ang biyahe!
Yen

Kapansin-pansin ang pagbabago ng hairstyle ni Yen Santos ngayon. May kinalaman daw ang bagong ayos ng aktres sa isang proyektong ginagawa sa kasalukuyan. “Abangan n’yo po kung bakit ganito ‘yung haircut ko,” nakangiting bungad ni Yen. 

Wala mang teleserye ngayon ay kabi-kabila naman ang ginagawang pelikula ng aktres. Magbibida sina Yen at Kid Yambao sa Two Love You na mapapanood na sa mga sinehan simula November 13. Kasama rin ng dalawa sa nasabing pelikula ang mga komedyanteng sina MC at Lassy. “As of now movies muna. It’s a beautiful love story. Hindi kasi madalas nata-tackle ‘yung nagkakaroon talaga ng pamilya (ang miyembro ng LGBTQ), na mag-asawa ang bakla at babae. So dito makikita natin na posible talagang mang­yari ‘yung ganoong klaseng pag-ibig,” pagbabahagi ng dalaga. 

May bulung-bulungan na todo na ang gagawing pagpapaseksi ni Yen sa pelikulang nakatakdang gawin. “Abangan po natin ‘yan. As long as siyempre may mga limitation pa rin naman tayo. But I’m open to the role,” giit niya. 

Samantala, makikita sa Instagram account ng aktres ang hilig sa pagbabakasyon sa iba’t ibang bansa. Kung mabibigyan ng pagkakaton ay may isang lugar pang gustong puntahan si Yen. “Enjoy lang, huwag na masyadong mag-isip, mas masarap mag-explore pa dahil marami kang madi-discover mo na hindi mo pa alam sa sarili mo. Gusto kong makapunta ng Greece, sa Santorini,” pagtatapos ng dalaga.

Elha pumayat na

Dalagita na ngayon ang The Voice Kids Season 2 winner na si Elha Nympha. Marami ang nakapapansin sa ginagawang pagpapapayat ng singer. “Mga last month po nag-decide po akong mag-gym. Kasi may mga kasama po ako. Kasama ko po sina Janine (Berdin) tsaka si ate Angela Muhlach. Nag-diet po kasi muna ako tapos after po no’n, ayun, nag-gym na po kami,” pagtatapat ni Elha. Labing isang taon lamang ang singer noong nanalo sa nasabing singing competition. Hindi na umano nagpapaapekto si Elha kapag nakikita ngayon ang mga kasabayang labinglimang taong gulang na mas payat sa kanya. “Pero hindi po ako nagpapaapekto doon. Kasi ‘yung ginagawa ko po ngayon ay gusto ko po, gusto ko pong mangyari sa sarili ko. Feeling ko po kasi habang ginagawa ko sa sarili ko itong exercise, magi­ging healthy po ako,” paliwanag niya. Isa si Elha sa magiging guest ni Zephanie Dimaranan sa kauna-unahang concert ng Search for the Idol Philippines grand winner na gaganapin sa New Frontier Theater sa November 28.  -Reports from JCC-   

 

vuukle comment

YEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with