^

PSN Showbiz

Juday nahirapan mang-api, umabot hanggang take 6!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Juday nahirapan mang-api, umabot hanggang take 6!
Juday

Aminado si Judy Ann Santos na wala siyang take 1 sa first taping day ng comeback teleserye niyang Starla na finally ay mapapanood na sa Primetime Bida ng ABS-CBN starting October 7.

Puro raw siya take 4 to take 6 dahil nga for the first time ay kontrabida ang role niya na hindi agad niya nakuha ang character kaya may oras na bumibitiw siya sa kanyang role.

For a change kasi ay mang-aapi siya sa Starla na first time niyang gagawin.

Dati nga naman ay si Juday ang ina­api-api na tumatak sa fans. Lawyer ang role niya kaya naman talaga raw pinaghandaan niya ang atake sa mga eksena.

Mala-Meryll Streep ng Devil Wears Prada ang peg niya kaya ibang-iba ang ginawa niya rito.

“Naghanda ako ng outfit at may glam team ako,” kuwento niya kahapon sa media conference ng Starla na papalit sa The General’s Daughter ni Angel Locsin.

“‘Yung lakad, ‘yung tindig, ‘yung postura, ‘yung taas-noo, paano magsalita, iba talaga eh,” she added.

Pero pinaka-nahirapan daw siya ay sa legal terms at English na dialogue dahil kailangan nga naman lahat tama. “So, dun ako pinaka nahirapan lalo na nun’g first taping day. I was really struggling because I haven’t done a teleserye for 5 years, so kumbaga bagong-bago sa akin,” pag-amin ng original teleserye queen.

Tinuturing din ni Juday na maagang pamasko ang Starla, na maghahatid ng pag-asa, magtuturo ng pagmamahal sa pamilya at pagpapatawad, at magtutupad ng mga kahili­ngan.

Susundan ng serye ang kwento ng isang mag-ama at isang misyong tuparin ang mga pinakainaasam na hiling ng puso.

Makakasama ni Juday sa Starla sina Joel Torre, Enzo Pelojero, Jana Agoncillo, Meryl Soriano, Joem Bascon at Raymart Santiago, with the special participation of Tirso Cruz III at Charo Santos.

By the way, sinabi rin ni Juday kahapon na malabo pa rin ang sinasabing reunion movie nila ni Piolo Pascual. ‘Yun nga ‘yung sinabi ko noon, it’s very critical for a Piolo-Juday project, for a reunion project, because the story should be very well thought of,” aniya. “So, antay lang. So, habang wala pa, focus muna sa ibang bagay,” paliwanag pa ng actress na abala rin sa kanyang restaurant na Angry Abodo na ngayon ay may delivery na rin. Don’t Give Up On Us (2006) pa ang last movie nila ng aktor na naging ka-loveteam noon.

 

 

vuukle comment

JUDAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with