^

PSN Showbiz

Myrtle ginastusan ang EX

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Maligayang-maligaya si Kim Molina sa white carpet premiere ng Jowable sa SM Megamall Cinema 1 noong Lunes dahil dumalo ang kanyang mga magulang at kapatid. Proud na proud ang ama at ina ni Kim dahil bida na ang kanilang anak sa pelikula na magbubukas ngayon sa mga sinehan. Pinalakpakan ang mahaba na monologue ni Kim sa eksena sa loob ng simbahan.

SCENE: Komportableng-komportable sina Kim Molina at Jerald Napoles sa love scene nila sa Jo­wable na isang advantage ng pagkakaroon ng relasyon nila sa tunay na buhay.

SEEN: Hindi na itinatago nina Ella Cruz at Julian Trono ang relasyon nila dahil sweet sila nang dumalo sa white premiere ng Jowable.

SCENE: Pinagbigyan ni Senator Manny Pacquiao ang lahat ng nag-request ng photo op sa isang event na dinaluhan niya. Kakaiba ang ginawa ng Pambansang Kamao dahil “selfie picture” ang gusto niya at siya mismo ang may hawak ng cellphone camera ng lahat ng mga nagpakuha ng litrato.

SEEN: Supportive mother ang nanay ni Tony Labrusca dahil kasama siya sa halos lahat ng mga showbiz event na pinupuntahan ng kanyang anak. Kasama ang ina ni Tony sa story conference noon ng In Between Goodbyes at nakita rin siya sa grand presscon noong Lunes ng Ang Heneras­yong Sumuko sa Love ng Regal Entertainment Inc.

SCENE: Malaki na ang ipinayat ng dating chubby na si Jane Oineza nang magpakita ito sa presscon ng Ang Henerasyong Sumuko sa Love.

SEEN: Nagsisisi si Myrtle Sarroza dahil ginastusan niya noon ang kanyang ex-boyfriend. Ang panghihinayang ni Myrtle ang karanasan na ikinuwento niya sa presscon ng Ang Henerasyong Sumuko sa Love nang tanungin kung kailan siya sumuko sa love.

SCENE: Kahit mahirap ang role niya sa The Gift, guwapong-guwapo si Alden Richards sa lahat ng mga eksena niya sa primetime drama series ng GMA 7.

vuukle comment

MYRTLE SARROZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with