Baron napeke sa pagiging Datu!
Whooaaa. Confirmed na fake ang pagiging datu ng actor na si Baron Geisler
Yup, you read it right.
Naging big deal pa naman ang nasabing appointment ni Baron sa umano’y pagiging Ambassador of Peace and Prosperity sa Sulu and North Borneo.
Sa official statement ang The Royal House of Sulu sa kanilang Facebook official account sinabi nilang fake royal title nga ang natanggap ng actor.
“Please be informed that the recent issuance of a title to Philippine actor, Mr. Baron Geisler, was done by false pretenders who are not even recognized by the Philippine government.
“The Sultanate of Sulu and North Borneo urges the public not to be mislead.
“Mr. Geisler is NOT a Datu of Sulu,” ang nakapaloob sa pahayag ng The Royal House of Sulu sa kanilang Facebook page last Wednesday kalakip ng official statement.
Grabe, kaliwa’t kanan pa naman ang story sa nasabing bagong title ng actor ng Ang Probinsyano.
As of presstime, wala pang statement si Baron na ikakasal pa naman sa buntis na girlfriend.
Bukas ang pahinang ito sakaling gustong magbigay ng statement si Baron tungkol sa kontrobersiya dahil baka nagkaroon lang ng miscommunication sa pagitan niya at sa nagbigay ng ‘datu’ sa kanya.
- Latest