^

PSN Showbiz

Osang, hindi ramdam na cash cow ng Jowa

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Osang, hindi ramdam na cash cow ng Jowa
Rosanna Roces

Naging aktibong muli sa showbusiness si Rosanna Roces mula nang ma­ging karelasyon si Blessie Arias. Ang partner na lesbian ang tumatayong talent handler ng aktres ngayon. Masayang-masaya si Osang sa takbo ng career ngayon dahil kabi-kabila ang proyektong ginagawa.

“Sa kanya kasi hindi ko na naramdaman na ‘cash cow’ ako. Siya ngayon kasi ‘yung tumatayong handler ko. Hindi pwede sa kanya na kapag tinanguan ko hindi ko sisiputin, do’n kami mag-aaway. So ‘yung ikinatino ng career ko ngayon utang ko rin sa kanya, ‘yung pagiging nandiyan niya. At saka hindi ako nai-stress, walang selos. Basta payapa ang buhay ng mga kagaya nila,” nakangiting pahayag ni Rosanna.

Apat na taon na ngayong kasintahan ng aktres si Blessie na una na ring naging kasintahan ni Osang bago pa nakapag-asawa noon.

Ayon sa dating sexy actress ay mas maligaya siya ngayon sa piling ng isang lesbian. “Nauna naman kami. I was 15 (years old) nang ma­ging kami ni Blessie. Siya talaga ‘yung gusto kong mapangasawa noon pa. Kaya nga nagkaroon ng Grace (anak ng aktres) dahil gusto naming magkaanak. So naghanap ako ng bubuntis sa akin. Pero hindi niya (Blessie) kinaya. Ang feeling niya mahal ko ‘yung tatay, so nagkahiwalay kami. After 27 years nagkita kami ulit. Tinuluyan ko na siya para hindi na makawala,” natatawang kwento ng aktres.

Mark, hindi napaghandaan ang unang karanasan

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakagawa na ng isang pelikula ang Pinoy Boyband Supertar finalist na si Mark Oblea. Nakailang TV guestings na ang actor-singer mula nang magtapos ang nasabing programa noong 2016. Kabilang si Mark sa pelikulang G! na isa sa mga kalahok sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2019. Ipalalabas ang nasabing proyekto sa mga sinehan simula Spetember 13. “Gustung-gusto ko talaga magkaroon ng tropa movie. Unang-una, ang ganda ng project eh. 20 years ko nang kakilala ‘yung tropa ko sa Cavite. Hindi siguro ako nagtrabaho sa film kasi organic naman na napakita,” pagbabahagi ni Mark.

Kasamahang bida ng binata sa nasabing pelikula sina McCoy de Leon, Paulo Angeles at Jameson Blake ng Hashtags. Nakaka-relate umano si Mark sa mga karakter nila sa pelikula na gumaganap bilang wala pang karanasan sa sex. 

Sa tunay na buhay ay unang nagkaroon ng karanasan si Mark sa kanyang kauna-unahang kasintahan ilang taon na ang nakalilipas. “Bata pa ako no’n, 14 (years old). First year ako, first girlfriend, first year ako, fourth year (high school) siya. Siyempre wala tayong alam no’n. Siyempre hindi natin paghahandaan ‘yung gano’n, whatever it takes. Almost a year kami, first namin pareho,” natatawang pagdedetalye ng baguhang aktor.

Sa ngayon ay magkaibigan pa rin daw si Mark at ang naging kasintahan. “Friends kami, may someone na siya. Okay na, past is past. Kung ano man ang nakaraan ‘yon na ‘yon. People come and go, ganon talaga eh,” pagtatapos niya.           (Reports from JCC)

vuukle comment

ROSANNA ROCES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with