^

PSN Showbiz

Aktres inuuna ang pakikisawsaw sa isyu ng bayan kesa sa career

UBOS - Cristy Fermin - Agence France-Presse

Negang-nega na naman ngayon sa social media ang isang female personality na naging hobby na yata kasi ang pakikisawsaw sa maraming isyu ng bayan.

Hindi siya papayag na wala siya sa gitna ng aksiyon, kailangang may partisipasyon siya, kaya ganu’n na lang ang kanegahan niya sa social media.

Kuwento ng isang source na naiinis din sa pagiging sawsawera ng female personality, “Puwede ba, asikasuhin niya na lang muna ang career niya na lulubog-lilitaw?

“Asikasuhin din niya muna ang mga OOTD niya na palaging baduy! Nu’ng mag-host siya sa isang show, e, pinag-iiwanan siya ng mga kasamahan niya!

“Napakabaduy niya kasi, wala yatang damit na bumabagay sa kanya! Baduy na baduy siyang manamit, unahin nya muna ‘yun bago ang pakikisawsaw sa mga issue ng ating bayan!” inis nitong reaksiyon.

Nakakaloka nga naman ang female personality na ito. Parang ginagaya niya ang isang popular na female personality na mahilig ding makisali sa mga napapanahong issue.

Balik-kuwento ng aming source, “E, bakit niya naman tutularan ang female personality na ‘yun, e, nakahiga ‘yun sa salapi? Makisawsaw man siya sa maghapon at magdamag sa iba-ibang issue, e, can afford siyang gawin ang ganu’n!

“Wala na siyang hinahabol na image, hindi na siya nag-aartista, libangan niya na lang ang pakikihalo sa mga isyung pinag-uusapan ng buong bayan!

“E, ang babaeng itey? Nag-aartista pa rin siya, wala naman siyang ibang career kundi ang pagharap sa mga camera, ‘no! Sawsaw pa rin siya nang sawsaw, wala siyang pakialam!

“Naku, pareho lang silang mag-asawa na negatron! They deserve each other! Maraming production people ang naiinis sa kanilang mag-asawa dahil wala silang word of honor!

“Sasagot-sagot sila sa interview, tapos, bigla na lang nilang sasabihin na wala silang sinagutang kompromiso, sino naman ang magkakagusto sa mag-asawang sawsawero na ‘yun?

“Wala na silang ginawa kundi ang makisawsaw sa lahat ng issue, kaya anyare sa career nila? Malagihay! Bago makialam ang babaeng ‘yun sa mga isyung pinagpipistahan, e, ayusin niya muna ang itsura niya sa harap ng mga camera!

“Nagpapanggap siyang napakatalino, ang dating niya, e, matalino siya at alam niya ang lahat-lahat, pero ang babaw naman niya!”nakataas pa rin ang kilay na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

 Alden love life na lang ang kulang 

Tama, panahon na para bigyang-atensiyon ni Alden Ri­chards ang kanyang personal na kaligayahan, tutal naman ay naiayos niya na ang kapakanan ng kanyang pamilya.

Maganda ang takbo ng kanyang food business, may magarang bahay na silang nilipatan sa Nuvali, at namamayagpag ang kanyang career ngayon.

Panahon na para naman asikasuhin ng Pambansang Bae ang kanyang personal na buhay, hindi puwedeng trabaho lang siya nang trabaho, kailangang meron siyang insiprasyon habang nagpapagod at nagpupuyat.

Sabi nga, ang kaligayahang personal at pagkakaroon ng insipirasyon ang klase ng bitaminang hindi nabibili sa anumang botika, hindi ‘yun iniinom para tayo lumakas, nararamdaman ‘yun.

Tumutulay sa mga ugat ang inspirasyon, tumutuloy ‘yun sa puso, kaya ang trabaho ay hindi masyadong nararamdaman at parang nagiging laro na lang.

Aminado naman si Alden na dapat na niyang bigyan ng panahon ang kanyang lovelife ngayon. At meron na siyang napupusuan, kaya nga lang ay ayaw niya munang magsalita, baka nga naman kasi mausog ang kanyang mga plano.

Sikat na sikat ngayon si Alden, panahon niya ngayon, kailangan niyang samantalahin ang pagkakataong iniregalo sa kanya ng ating mga kababayan.

Pero sa kabila ng lahat ay nananatili siyang humble, mapagkumbaba talaga ang loob ng binatang aktor, ipinagdarasal niya kasi palagi na sana’y makaya niyang hawakan ang mga sorpresang ibinibigay sa kanya ng kapalaran.

Isa si Willie Revillame sa mga maliligaya para kay Alden ngayon, bukambibig ng matagumpay na aktor-TV host, “Napakabait na bata, walang kaere-ere, talagang mas matinding suwerte pa ang darating sa kanya.”

vuukle comment

ALDEN RI­CHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with