^

PSN Showbiz

Oww wala nang babalikang network? Ellen not invited sa ABS-CBN Ball!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Oww wala nang babalikang network? Ellen not invited sa ABS-CBN Ball!
Ellen

Owww, not invited pala sa gaganaping ABS-CBN Ball si Ellen Adarna.

Yup, ayon sa source, hindi belong ang sinasabing diumano’y ina ng anak ni John Lloyd Cruz sa biggest gathering ng mga artista ng Kapamilya Network.

Hindi lahat ay invited sa nasabing strictly by invitation affair ng network sa Sa­tur­day, September 14, Shan­g-rila The Fort.

Eh si Ms. Sharon Cuneta kaya invited? O si Mr. Neil Arce na fiance ni Angel Locsin?

Noong 2017 ay hindi na-invite si Ate Shawie kung saan naglabas pa siya ng sama ng loob sa social media. Marami naman na nagtaka na hindi escort ni Angel ang producer na BF, ‘yun pala ‘di invited.

Nauna nang nag-decline si John Lloyd sa invitation ng network for ABS-CBN Ball 2019 na Modern Filipiniana ang theme.

Partner ni Dingdong pinagdedebatehan pa?!

Pinagde-debatehan pa rin daw kung si Jennylyn Mercado na nga ang magi­ging partner at gaganap na Dra. Kang sa local adaptation ng Korean action / drama series na Descendants of the Sun starring Dingdong Dantes. Ito ay kahit may nagko-confirm na si Jennylyn na nga. Pero kuwento ng GMA 7 insider kahapon, wala pa talagang final decision, pinag-uusapan pa rin.

Nauna nang umayaw si Ma­rian Rivera na gumanap na Doc Kang Mo Yeon na ginampanan ng ex wife ni Soong Jong-ki na si Song Hye-Kyo.

Pero may pagpipilian pa ba ang GMA 7 para sa nasabing role?

Speaking of Yan, balik-Tadhana ang actress na two years na palang umeere every Saturday afternoon. Kaya naman starting this afternoon, may installments ang dalawang episode para sa second year celebration nila.

Ang first story ay entitled Serial Killer, na kuwento ng magkakaibigang Ilocano OFWs ang gruesome web of murders na kinasasangkutan ng mga dayuhang kasambahay. This is the first-ever case of serial killing in Cyprus.  Magbibida sina Benjamin Alves, Juancho Trivino, Diva Montelaba, Analyn Barro, Lara Morena at Rhian Ramos.

Balik-akting naman si Lovi Poe sa second story, CEO Maid. Gaganap siyang Myrna na dating seaweed diver sa Bohol. Pero nabiktima  siya ng human trafficking. Nakaligtas siya sa hirap at nahanap ang kanyang sarili sa Hong Kong matapos magtrabaho bilang isang domestic helper. Pero naging mabait ang kanyang amo at tinuruan siyang guma­mit ng computer.

Dahil sa tiyaga, nang bumalik siya ng bansa naging CEO siya ng kanyang sariling BPO company.

Grateful si Marian na kabi-kabila rin ang natatanggap nilang award para sa programa.

Watch Tadhana: second anniversary specials this whole month of September, Saturdays, 3:15 p.m. on GMA-7.

 

 

 

 

vuukle comment

ELLEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with