^

PSN Showbiz

Coco at Mayor Isko, magsasama

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Coco at Mayor Isko, magsasama
Mayor Isko & Coco

May bulung-bulungan na posibleng magkasama sa isang proyekto sina Coco Martin at Mayor Isko Moreno. Naunang pumutok ang balita nang nakitang nagkakape habang magkausap ang dalawa. “Marami kaming pinag-usapang bagay at abangan ninyo baka sa Disyembre makita n’yo kami sa pinilakang tabing. ‘Yung mapapanood ninyo sa pinilakang tabing, tapos na (ang shooting),” naka­ngiting pahayag ni Mayor Isko.

Ayon sa Alkalde ng Maynila ay nagprisinta rin si Coco sa kanya upang makatulong sa mga programang pangkabataan sa lungsod na nasasakupan. “Pareho kami ni Cardo, galing kami sa alaws (wala) eh. Siyempre naramdaman niya din ‘yung pakiramdam ng mga mahihirap nating kabataan. He wanted to encourage everybody. Sabi niya, ‘Kuya Isko, anytime na kakailanganin mo ako, gusto ko magsalita sa mga kabataan,” kwento ni Mayor Isko.

JC, may reputasyong ‘hubadero’

Sa September 13 ay ipalalabas na sa mga sinehan ang pelikulang Open na pinagbibidahan nina Arci Muñoz at JC Santos. Isa ito sa mga kalahok sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2019.

Ayon sa aktor ay medyo nahirapan siyang gampanan ang karakter bilang si Ethan. “Kasi I will always make sure na hindi na ako ‘yung nasa camera eh. Kapag inalam ko kung anong klaseng tao ‘yung character ko, makakalimutan ko kung sino ako. Gusto ko makilala ng viewers is the man I am playing,” paliwanag ni JC.

Wala namang naging problema sa binata pagdating sa paghuhubad para sa nasabing pelikulang. Matatandaang nagsimula si JC sa entablado bilang stage actor kaya nasanay na rin noong nag-aaral pa lamang ng kolehiyo. “I don’t really mind eh. I am aware from the script for example that it is needed then I will do it. Kung ano ang instructions ng direktor, I will know what to do already, kahit na sinong direktor. I simply know how to manage taking my clothes off.  When I do it, it should look appropriate with my character’s actions. Hindi pwedeng basta hubad lang,” paglalahad niya.

Aminado si JC na may reputasyon siya bilang hubadero kahit noong nag-aaral pa lamang sa Unibersidad ng Pilipinas. “Okay ako sa pagpapakita ng katawan kasi ginagawa ko rin siya when I was fifteen years old in the theater sa U.P. Kasi noon may reputation akong hubadero, ha-ha-ha,” natatawang pahayag ng aktor.

Para sa binata ay hindi dapat palampasin ng mga manonood ang bed scenes nila ni Arci sa nasabing pelikula. “When my cha­racter and Rome (karakter ni Arci) agreed to an open relationship, tama lang na nasa bedroom kami and we are in our undies eh. It’s really beautiful scene kasi what you will notice is already the problem they both have sa relasyon nila eh. Bearing it there, tapos nagpapakatotoo lang silang dalawa na tumatabang na ang pagmamahalan nila. So they need to agree to explore an open relationship kahit nagtatalo sila,” pagtatapos ni JC.(Reports from JCC)

vuukle comment

MAYOR ISKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with