^

PSN Showbiz

Aktres hinahabol ng mga maniningil

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Dati nang hindi pinoproblema ng isang kilalang female personality ang kanyang pananalapi. Ma­rami siyang proyekto nu’n, kaliwa’t kanan, pero mas malaki ang kinikita niya sa alam niyang sideline.

Bonggang-bongga ang kanyang lifestyle, nabibili niya ang lahat ng mga branded stuff na gusto niya, nakapagbibiyahe siya anumang oras niyang gusto at ginagawa lang niyang kapitbahay ang maraming bansang pinupuntahan niya.

Kuwento ng aming source, “Malakas kasi ang raket niya, saganang-sagana siya sa walk, konting panahon lang, madatung na siya agad. Maliit ang bag niya nu’n sa dami ng pera niya,” unang chika ng aming impormante.

Pero nagbabago ang panahon, nagkakaedad ang tao, ang seksing katawan ay dumodoble at ang kagandahan ay nababawasan.

Patuloy ng aming source, “Ibang-iba na ang buhay niya ngayon, hindi na siya mapera, natapos na ang bonggang-bonggang lifestyle niya. Marami na siyang obligasyong dapat pagbayaran ngayon.

“Hindi na kasi siya kumikita sa mga sideline niya, nanay na nanay na ang katawan niya, hindi na siya puwedeng sumalang sa dati niyang trabaho dahil ibang-iba na ang postura niya.

“Kesa sa kanya, e, di pipiliin na lang ng madadatung na masyosyonda ang mga batambatang girls, di ba naman? Kaya cut na siya sa mga choices ngayon kapag may nagpapahanap sa mga Boogie Wonderland.

“At dahil wala na ngang pumapasok sa kanyang kaban ngayon, nagkaipun-ipon na ang mga kailangan niyang pagbayaran. Mara­ming naghahanap sa kanya, marami na siyang Manilyn (read: maniningil). Pero mahusay siyang magpalusot.

“Marami siyang kuwentong makababagbag sa puso ng mga pinagkakautangan niya. Gamit na gamit ang pamilya niya, madrama ang girl na ito kapag nasusukol siya ng mga maniningil niya.

“May isang friend niyang nagpayo sa kanya na lumapit sa isang sikat na male personality na dati niyang karelasyon. Super-milyonaryo ang lalaki, umaawas ang kanyang datung, spoiled siya dati sa lalaking ‘yun!

“Gusto na sana niya, pero nag-aalala siya na baka hindi na siya pansinin nu’ng milyonaryong male personality, tapos na kasi ang lahat sa kanila.

“Magaling lang siyang magdala ng mga problema, pero baon sa pagkakautang ngayon ang female personality, wala na siyang mina ng ginto ngayon na mapagkukunan ng kadatungang maipambabayad niya, nagbago na ang panahon,” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Sharon marami nang yaman, ‘di na kailangan ng trabaho

Sa mahigit na apat na dekadang pag-aartista ni Sharon Cuneta ay nakaipon na siya ng aabot nang napakahabang panahon bago niya maubos.

Dati nang mayaman ang Megastar, dag­dag na lang sa kanyang kabuhayan showcase ang kinikita niya sa pag-aartista, kaya kung planuhin man niyang maghinay-hinay sa pagtatrabaho ay hindi siya magugutom.

Apat na dekada na siyang humaharap sa mga camera, concert siya nang concert dito at sa iba-ibang bansa man, kahit naman siguro sinong personalidad ay makakaisip na ring magpahinga sa tagal na ng pag-aartista niya.

Kung si John Lloyd Cruz nga na wala pa sa kalahatian ng itinatagal ni Sharon sa pag-aartista ay nabur­yong, naghanap ng kapribaduhan, ang Megastar pa ba naman ang hindi makakaramdam ng ganu’n?

At hindi naman siya nagsalita nang tapos. Puwede pa rin siyang mag-concert paminsan-minsan, gusto pa rin niyang gumawa ng pelikula kapag may pagkakataon, aminado ang singer-actress na hindi niya kayang talikuran nang isandaang porsiyento ang kanyang pag-aartista.

?Mag-aaral na sa New York ang panganay nila ni Senator Kiko Pangilinan, ngayon pa lang sila magkakahiwalay ni Frankie, gusto niyang samahan ang kanyang anak sa ibang bansa dahil alam niya kung gaano malulungkot ang dalaga sa kanyang pag-iisa sa ibang bansa.

?Prayoridad ngayon ng Megastar ang kanyang pamilya. Markado ang kanyang sinabi na mahal niya ang pag-aartista pero hindi ‘yun mangangalahati kumpara sa pagmamahal niya sa kanyang pamilya.

?Sa isa niyang malapit na kaibigang aktres ay umiyak nang umiyak si Sharon, inaatake siya ng separation anxiety sa pag-aaral ni Frankie sa ibang bansa, pero nabawasan ang lungkot ni Mega nang sabihin ng kanyang kaibigan na parang ibon din ang tao.

?Kailangang pabayaan at turuang lumipad nang mag-isa.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with