^

PSN Showbiz

Semi finalist sa TNT nakapasok dahil sa malungkot na buhay?!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Hindi ko naman minamaliit ang kakayahan ng isang may edad nang semi finalist ng Tawag Ng Tanghalan. Hindi pa naman kumukupas ang tinig niya pero feeling ko pwede pa rin siya sa mga lounges pero hindi sa malaking singing competition na tulad ng Tawag ng Tanghalan.

Ewan ko kung anong pamanta­yan ang ginamit ng mga hurado pero, definitely hindi ang pagalingan ng boses. Parang mas nadala sila sa malungkot na buhay nito kaya pansamantala, nakalimutan nilang ang mga pamantayan na pinaiiral sa TNT. Tsk. Tsk. Tsk.

Joey at Sylvia mas nag-swak na friends

Ilang ulit nagtangka si Joey Marquez na magparamdam kay Sylvia Sanchez pero, lagi siyang tinatakot nito na magsusumbong kay Alma Moreno at nung panahong yun ay malaki pa ang takot ni Joey kay Alma. Nagpapasalamat sila na hindi sila nagkaro’n ng relasyon dahil siguradong hiwalay na rin sila ngayon.

Sa halip naging mabuti silang magkaibigan at magkasama sa work. Mag-asawa sila sa Pamilya Ko ng ABS-CBN na sinasabing kumuha ng inspirasyon sa buhay ni Joey.

Ryle suwerte sa mga tatay

Wala naman akong masabi dito sa member ng Hashtags na si Ryle Santiago. Napakaramimg kabataan ang naghahanap ng ama at walang gustong umangkin sa kanila pero, siya bukod sa gusto siya ampunin ng kanyang stepfather na si Chris Tan na simula’t sapul nang mapangasawa ng kanyang ina na si Sherilyn Reyes ay tumayong mabuting ama para sa kanya. Masyadong maraming dapat ayusin para siya maging legal na Tan. At isa pa hindi naman payag ang kanyang tunay na ama na si Junjun Santiago na ipaampon siya dahil kinikilala naman siya nito. Ipinamamahala na lamang ni Ryle sa panahon ang problemang ito na hindi naman nakakaapekto sa karera niya.

Arci madaling makakahanap ng kapalit sa ex

Bigla, nawala ang pagka-demure ni Arci Muñoz nang magiiyak ito sa interview sa kanya ni Boy Abunda. Obvious na nasaktan siya sa break up nila dahil minsan ay nagbigay na siya ng pahiwatig na baka ito na ang makatuluyan niya. 

Hindi marahil niya inaasahan na mauuwi rin sila sa hiwalayan. Sa ganda ba naman niya mahihirapan pa siyang humanap ng kapalit nito?

vuukle comment

TAWAG NG TANGHALAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with