^

PSN Showbiz

Mayor Joy, Abby, Vico at Isko nag-uumapaw ang energy sa trabaho

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Mayor Joy, Abby, Vico at Isko nag-uumapaw ang energy sa trabaho
Mayor Joy Belmonte at Mayor Abby Binay

Working talaga ang mga young mayor natin. ‘Yung mga dating nakikita ko na mga kalat sa Commonwealth Avenue, ipinalinis na ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Ang mga obstruction sa Pasig City, mukhang naayos na ni Mayor Vico Sotto.

Maganda rin ang naririnig ko na mga paglilinis na nangyayari sa San Juan City at lalong okey na okey ngayon sa Maynila dahil sa mga pagbabago na ginagawa ni Mayor Isko Moreno.

May depensa na kahit may wisdom ang mga nakatatanda, mas energetic ang mga bata. Siguro nga, nag-iikot sa lungsod nila ang mga batang mayor kaya nakikita nila nang personal ang mga dapat baguhin at ayusin.

Sina Joy, Vico at Isko ang magiging leaders of the future.

At huwag nating kalimutan ang magandang pamamalakad ni Mayor Abby Binay ng Makati City kaya overwhelming ang resulta ng re-election niya noong May 13, 2019.

Patuloy ang vision niya for Makati at tuluy-tuloy ang kanyang mga naumpisahan na trabaho. Hanggang ngayon, hawak ni Mayor Abby ang tiwala sa kanya ng mga taga-Makati kaya si Gorgy naghaha­nap na ng bahay na bibilhin dahil Makati boylet na raw siya.

Kung kailan ‘di na congressman, Papa Albee ngarag sa rami ng project

Parang mas pagod pa ngayon si Papa Albee Benitez kesa noong congressman pa siya Salve. Imagine, sabay-sabay na hinaharap niya ang mga negosyo like na magiging  local Disneyland natin, nagpapatayo siya ng hotel at nagpo-produce ng dalawang pelikula na parehong malaki ang budget.

Si Peque Gallaga ang in-charge sa Magikland at si Richard Somes ang direktor ng launching action  movie ni Javi Benitez.

Kaliwa’t kanan ang mga meeting ni Papa Albee, balikan siya sa Negros, Manila at Macau kaya ngarag sina Marivic Larrazabal at Tet de Joya dahil sa dami ng trabaho ng big boss nila.

Mabuti pa yata na magbalik-pulitika na lang si Papa Albee dahil puwedeng-puwede pa. Kung sawa na siya na magsilbi ng congressman, subukan naman niya ang senado.

Celebrity endorsers malaking tulong

Malaking tulong talaga na nakikita in person ng mga tao ang mga celebrity endorser ng mga produkto.

Like nagtataka ako sa dami ng personal appearances ng mga celebrity ambassador ni Aileen Go ng MegaSoft dahil halos linggu-linggo, may show si Budingding.

Nililibot naman ng Beautederm ambassadors ni Rhea Tan ang buong Pilipinas at huwag isnabin, kahit ang Kamiseta lumilibot din para sa apparel at skin clinic ni Cris Roque.

Bongga ang rich friends natin Salve dahil talagang sinusuyod nila lahat sulok ng Pilipinas to reach out, spread cheers, at ipakilala ang mga produkto nila by means of bringing their endorsers to talk and show how it help them out.

Nakikita ng publiko ang ganda ng mga kutis ng taga-Beautederm, ang confidence ng mga taga-MegaSoft, ang ganda at classic taste ng Kamiseta.

Hay naku, buti na lang young entrepreneurs sina Rhea Tan, Aileen Go at Cris Roque kaya hindi problema sa kanila to travel around the Philippines. Bongga.

vuukle comment

ABBY BINAY

JOY BELMONTE

VICO SOTTO.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with