^

PSN Showbiz

Edward hindi nagmamalisya sa closeness nina Donny at Maymay

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Edward hindi nagmamalisya sa closeness nina Donny at Maymay
MayWard and Donny

Aminado si Edward Barber na pareho silang seloso ng katambal na si Maymay Entrata. Para sa aktor ay mas ipinararamdam niya ang pagmamahal sa dalaga kaysa pagmamahal ni Maymay sa kanya. “Ako at ‘pag nandito siya, she would be agreeing with me. Dapat, hopefully,” nakangi­ting bungad ni Edward.

Nakakasama ng tambalang MayWard si Donny Pangilinan bilang mga VJ sa Myx. Kahit kailan ay hindi raw pinagselosan ni Edward si Donny kahit malapit na rin sina Maymay at Donny sa isa’t isa. “No, ‘yung totoo po tumatawa po kaming tatlo. It’s not a big thing for all of us,” giit ni Edward.

Kamakailan ay napabalitang magkasama umanong nagsimba sina Maymay at Donny. Ayon kay Edward ay naroon din siya ng mga sandaling iyon. “We all go to the same church kasi. Siguro when netizens saw them together, I was there too. Kasi Maymay and I go to church and Donny as well, and usually in the same time. No worries at all kasi I trust Maymay and I trust Donny,” paglilinaw ni Edward.

Mylene may trauma pa sa pinagdaanan ng mga kaibigan sa asawa

Matagal-tagal na ring nagsasama sa iisang bubong si Mylene Dizon at kasintahang si Jason Webb. Kahit matagal nang magkarelasyon ay wala raw sa plano ng aktres ang magpakasal. “I’m just surrounded by so many people whose marriages have fallen apart where in the beginning they were fine. Siguro marami ang magsasabing marami namang successful marriages, yes of course there are. Pero I am surrounded by failed marriages and I’m in a very good place right now. Why rock it? Puwede ko siyang gawin bago ako mamatay if I really want to. But the pain that I saw that my friends had experienced is not something that I want to experience now,” paliwanag ni Mylene.

Hindi na iniintindi ng aktres ang mga sinasabi ng ibang tao tungkol sa kanyang personal na desisyon o paniniwala tungkol sa pag-aasawa. “Of course sabi ng iba, ‘Puwede ka namang lokohin ng boyfriend mo. Of course, pwede pero hindi ko sila asawa. Mas madaling takasan. Maraming magbabatikos pero choice ko ‘to eh,” giit niya.

Kasama ng magkasintahan sa bahay ang mga anak ni Jason sa unang asawa at ang dalawang anak nina Mylene at Paolo Paraiso. Sa ngayon ay wala pa sa plano nina Mylene at Jason na magkaroon ng sariling anak. “We are enjoying each other’s company already because the children are having their own independent lives because they’re now young adults. They’re needing us less and less. So there is more time for me and Jason to enjoy this youth kumbaga,” pagbabahagi ni Mylene. (Reports from JCC)

vuukle comment

EDWARD BARBER

MAYMAY ENTRATA

MYLENE DIZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with