^

PSN Showbiz

Ambassadors ng Beautéderm sumugod sa Bataan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — In line sa nalalapit na selebrasyon ng ika-10 taong anibersaryo ng Beauté­derm sa industriya, sumugod ang mga new breed of young ambassadors ng Beautéderm Corporation in full force sa grand opening ng BeautéChick na matatagpuan sa ground floor ng Vista Mall in Bataan.

Ang BeautéChick ay pagmamay-ari at pinapatakbo ni Alicia Malasa at present sa opening ang Beautéderm Corporation President and CEO na si Rhea Anicoche-Tan at ang may ari ng BeautéEscape By Beautéderm na si Myla Tiatco, at siyempre pa, ang brand ambassadors na sina Carlo Aquino, Ejay Falcon, Hashtag Ryle, Pauline Mendoza at Jane Oineza. Kasama rin sina Boobay at Kris Lawrence.

Itinatag ang Beautéderm ni Rhea Anicoche-Tan nuong 2009 at kinakatawan ng kumpanya ang kanyang prinsipyo na mag-uumpisa ang kagandahan kapag inaalagaan natin ang ating mga sarili at kapag ito ay ating ginawa, tayo ay magi­ging mas malusog at magpapamalas tayo ng kagandahan hindi lamang sa panlabas ngunit sa ating panloob na rin.

Bilang isa sa mga pangu­nahing lider ngayon sa beauty and wellness industry, pinapahalagahan ng Beautéderm ang kaligtasan at pagi­ging epektibo sa mga FDA Notified products nito, na gumagamit ng mga plant-based na sangkap na ginawa upang makapagbigay ng mabilis at pinaka-epektibong long-term at sustainable na resulta.

Isang consistent Superbrands awardee, ilan sa mga flagship brands ng Beautéderm ay kinabibilangan ng Beautéderm Skin Care Sets para sa mukha at katawan; ang Reverie by Beautéderm Home na kinabibilangan ng koleksyon ng soy candles at room sprays; ang perfume collection nito na kinabibilangan ng Origin Senses perfumes for men, at marami pang iba – na lahat ay pawang top-selling na mga produkto sa merkado ngayon.

Sa ngayon mayroon ang Beautéderm ng humigit sa isang daang resellers dito at sa ibang bansa, at mayroon ding humigit na 40 brand ambassadors na kinabibilangan ng mga aktor at aktres, TV personalities, mga mang-aawit, beauty queens, mga politiko, mga komedyante, at mga social media influencers.

Para sa mga karagdagang kapanapanabik na mga balita ukol sa Beautéderm Corporation, sundan ang @beautédermcorporation sa Instagram at i-like ang Beautéderm sa Facebook.(CG)

vuukle comment

BEAUTéDERM CORPORATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with