^

PSN Showbiz

Liza nagsalita na sa bintang na credit grabber, banta ng cinema owners!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Liza nagsalita na sa bintang na credit grabber, banta ng cinema owners!

Kaagad naging isyu ang mungkahi ni Sen. Bong Go na magkaroon ng isa pang Metro Manila Film Festival.

In fairness naman kay Sen. Go, nabanggit na niya ‘yan nung nagpa-presscon siya bago ang eleksyon.

Ngayon ay gusto na niyang aksyunan lalo pa nga at naging bahagi siya sa Executive Committee ng MMFF.

Nagkaroon lang ito ng isyu nang ma-interview ang FDCP Chairperson Liza Diño sa launch ng Pista ng Pelikulang Pilipino, na ang lumabas sa isang diyaryo tila inaako na ni Liza ang proposal kay Sen. Go na pagkakaroon ng isa pang MMFF.

Kaya nag-post ang spokesperson ng MMDA na si Celine Pialago ng mensahe kay Liza na noon pa raw ay lagi niyang napi-preempt ang mga activities ng MMFF-MMDA. Lumalabas pa raw na isa naman daw film policy ito ng FDCP ang pagkakaroon ng isa pang MMFF. Sana i-credit daw na kay Sen. Bong Go ito.

Obvious na si Liza ang tinutukoy niya sa hashtag niyang #notocreditgrabber at #notosobrangepal.

“Gusto lang ho natin na talagang mabigyan pugay po ang efforts ni Sen. Bong Go sa pag-recommend na magkaroon tayo ng summer festival kung tatawagin.

“Ang recommendation ho kasi ni Sen. Go was accepted by the Execom. Ang dating lang po sa akin, hindi na-acknowledge yung dapat na ma-acknowledge, yun lang naman po,” pahayag ni Celine nang nakausap namin sa radio program namin sa DZRH.

Nakausap din namin ang FDCP Chairperson at nilinaw niyang hindi niya ito inaako.

Napag-usapan na raw nila ‘yan noon pa ni Sen. Go kaya tuwang-tuwa siya at nagpahayag siya ng suporta sa sina-suggest ni Sen. Go.

Sinabi raw niya kay Sen. Go na magandang ideya ‘yan at willing daw siyang magbigay ng proposal.

“Alam n’yo naman na anything para lang sa film industry, nagmamadali ako, natataranta na ako.

“If she’s (Celine) trying to imply that I’m credit grabbing, I don’t need to do that. There’s so many things that our agency is busy with para kumuha pa ng iba pang trabaho. O kumuha ng function ng iba.

“Right now my God, sobrang punung-puno na yung ano namin,” pahayag ni Liza.

Ang isa pang paglilinaw ni Liza ay nasa ilalim daw ng mandato ng FDCP ang mga film festivals na isinasagawa. Kaya base sa mga pahayag niya, nasa ilalim ng FDCP kung magkakaroon man ng isa pang MMFF na puwede nilang gawin sa summer.

Saad ni Liza; “Hindi naman namin sinasabi na dapat lahat kami mag-ano pero nasa mandato namin.

“If there’s any authority…siyempre ang mga gover­nment agencies may kanya-kanyang expertise.

“FDCP involved ang mga stakeholder namin, ang film industry. It is well within our mandate.

“In terms of its mandate, we have to look to their mandate. Yung mandate talaga is to organize film festivals no?

“We have to understand the nature of  how MMDA was created…pero yung MMFF, yun  nga by virtue nung nagpalit ang Metro Manila Commission before, that’s why nasa kanila yung MMFF. Historical ‘yung kanilang reason kung bakit hawak nila ang MMFF.”

Pero, tila hindi agree rito ang MMDA spokesperson.

“Kung yun po talaga yung mandate. Pero unfortunately hindi naman po ganun.

“Ang FDCP po is one of the many bodies na nagri-represent sa kabuuan ng MMFF Execom. Paano po yun?

“Ang amin lang po, let’s just give the credit to whom which is due. Yun lang po, kung kanino ‘yung idea, i-acknowledge natin.

“Kung ano po yung function nung office, you have to be proud of it. Pero kung hindi man ho yung saklaw eh di you have to be honest enough.

“It appears na si Madam po yung nag-suggest na magkaroon ng dalawang festival in one year. Actually, it’s not. Si Sen. Bong Go and of course the whole Execom of MMFF.”

Iniiwasan na lang ni Liza na makipagbalitaktakan kay Celine dahil hindi naman daw niya ito kilala.

Hindi raw sila magkakilala. Pero kung sakaling magkatrabaho sila para sa isa pang MMFF, wala naman daw problema dun.

Agree naman si Celine na kung sakaling matuloy nga ang pagkakaroon ng isa pang MMFF, tiyak na maging bahagi raw diyan ang FDCP ni Chairman Liza Diño.

Pero may isa pang isyung kailangang sagutin ni Chairman Liza.

Napapag-usapang hindi naman daw pala napagkasunduan sa mga theater owners na gagawin nang Biyernes ang showing ng mga pelikula.

Ang balita, kakasuhan daw ng Cinema owners ang FDCP dahil sa paglabas ng isang memorandum na hindi naman daw nila napagkasunduan.

“Bilang gobyerno hindi kami puwedeng maglabas ng kahit na anong polisiya na hindi kumukunsulta sa mga stakeholder. Imposible na that they’re weren’t part of the dialogue.

“We have pictures to prove. I’ve been reporting sa Facebook ko.

“In reference to that, hindi ko alam kung saan galing yung wala silang alam. Nandun sila eh. Nandun sila sa dialogue.

“Very productive ang discussion nun eh. Gusto namin i-clarify sa kanila kung saan nanggagaling yun,” seryosong pahayag ng FDCP Chairperson Liza Diño.

vuukle comment

LIZA DIñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with