^

PSN Showbiz

Kisses kay Jameson naman mapupunta

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Kisses kay Jameson naman mapupunta

Hindi roles ang problema ni Kisses Delavin na inakala ng marami ay nakahanap na ng maayos na katambal kay Donny Pangilinan matapos din nilang maghiwalay bilang isang loveteam ni Marco Gallo.

Marunong namang umarte si Kisses, hindi siya mahirap hanapan ng role.

Akala nga ng fans ng DonKiss ay nakakita na sila ng isang perfect tandem sa dalawa, pumatok kasi ang pagtatambal nila sa Playhouse.

For a while ay sila ang palaging magkasama sa mga guesting nila sa mga programa ng Kapamilya at maging sa mga showbiz event, pero isang araw, bigla na lang naglabas ng statement si Kisses na nagsasabing wala na raw ang DonKiss, at ngayon naman ipina-partner sa kanya si Jameson Blake. Pumatok kaya?

Coco may pangatlong buhay!

Sa nakaraang episode ng serye ni Coco Martin na FPJ’s Ang Probinsyano kung saan ang kanyang karakter na si Cardo ay nasa bingit ng kamatayan, kung anu-anong suggestion ang ibinigay ng netizens kung papaano ito mabubuhay at maliligtas.

Hindi naman natin masisisi ang mga tagasubaybay dahil pag namatay si Coco sa serye, ibig sabihin lamang nito ay tapos na ang longest running teleserye na Ang Probinsyano.

Samantala, papasok na ang bagong karakter na gagampanan ni Judy Ann Santos, ibig sabihin lang nito ay mahabang-mahaba pa ang lalakbayin ni Cardo para makapunta sa dulo.

Nakakatawa ang mga naiisip na twist ng netizens, tulad na lang ng posibleng may isa pang kakambal si Cardo at triplets pala sila nina Ador, o ‘di kaya naman ay buhay talaga si Ador at ito uli ang papalit bilang Cardo. Meron pang babalik si Coco sa ikatlo niyang katauhan para bigyan ng hustisya ang dalawa niyang kapatid.

Bakit hindi na lamang nila isipin na maililigtas ito ng siyensya ng medisina na mas kapani-paniwala pa, ‘di ba?

Angel nagsalita na sa bagong darna

Mukha namang welcome sa lahat ang pagkakapili kay Jane de Leon bilang bagong Darna. Walang narinig na hindi magandang reaksyon mula sa mga tagasuporta at tagasubaybay ng local showbiz sa pagkakapili sa napakagandang miyembro ng Girl Trends (GT).

Nakagawa na ng ilang pelikula si Jane, napanood na rin siya sa TV, at matatandaang tumatak ang role niya bilang Maggie na kapatid ni Lino Bartolome (Jericho Rosales) sa matagumpay na seryeng Halik.

Pati si Angel Locsin ay masaya at nagpadala ng mensahe ng pagbati sa kanya, lalo marahil ang direktor ng Darna na pumalit kay Erik Matti na si Jerrold Tarog dahil masisimulan na niya ang paghahanda para sa proyekto.

vuukle comment

KISSES DELAVIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with