^

PSN Showbiz

Rafael balik-ABS!

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon
Rafael balik-ABS!
Rafael

SEEN: Pagkalipas ng pitong taon, mu­ling mapapanood si Rafael Rosell sa isang prog­rama ng ABS-CBN, ang Ipaglaban Mo. Year 2012 nang umalis si Rafael sa Kapamilya Network dahil lumipat siya sa GMA 7. May mga haka-haka na natapos na ang kontrata ni Rafael sa Kapuso Network kaya libre na siya na tumanggap ng projects mula sa dating mother studio niya.

SCENE: Ang pagkakaroon ng prima donna attitude ng female showbiz personality na pahirap sa staff ng television show ang isa sa mga dahilan kaya matatagalan uli bago siya mabigyan ng regular show.

SEEN: Ang diumano’y plano nina Aljur Abre­nica at Kylie Padilla na ipahayag sa second birthday celebration sa susunod na buwan ng kanilang anak na si Alas na magkakaroon na ito ng kapatid. Buntis si Kylie sa second child nila ni Aljur.

SCENE: Nagsimula na ang shooting ng bagong pelikula ni Lovi Poe sa Regal Entertainment Inc. Leading man ni Lovi si Joem Bascon sa pelikula na hindi pa nabibigyan ng final title at mula sa direksyon ni Mac Alejandre.

SEEN: Sunud-sunod ang mga movie project ni Mac Alejandre. Siya ang direktor ng Kaputol, ang pelikula na pinagbibidahan nina Alfred Vargas at Cherie Gil at ng MNL-HK-NY, ang upcoming movie nina Alfred, Iza Calzado at Shaina Magdayao.

SCENE: Hindi lamang ang Mars Pa More ang dating programa ng GMA News TV na inilipat sa GMA 7 dahil malapit nang mapanood sa Kapuso Network ang Wagas. Tumagal ng pitong taon sa GMA News TV ang Wagas na isa nang weekly drama anthology ng GMA 7. Sina Sunshine Dizon at Mike Tan ang magbibida sa pilot telecast ng Wagas sa bagong tahanan nito.

SEEN Inihahanda na ng GMA 7 ang bagong primetime television series na pagbibidahan ni Alden Richards. Unlike Victor Magtanggol, drama ang next project ni Alden sa kanyang home studio. 

vuukle comment

RAFAEL ROSELL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with