^

PSN Showbiz

Alden napaluhod at naiyak sa pasasalamat, Kathryn nagdusa sa shooting kinumpiska ang cellphone!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Alden napaluhod at naiyak  sa pasasalamat, Kathryn  nagdusa sa shooting  kinumpiska ang cellphone!
Alden Richards at Kthryn Bernardo

Puring-puri ni Direk Cathy Garcia Molina si Alden Richards.

Ayon kay Direk Cathy, galing na galing at bait na bait siya sa Kapuso actor. “I have worked with so many actors na mababait at magaga­ling, Alden is one of them,” paunang banggit ni Direk Cathy.

“Noong sinabi nilang Alden, sabi ko, ‘Hmm taba lang’ pero sabi ko, ‘Mukhang marunong umarte ‘tong bata na ‘to.

“Nagkamali ako. Hindi siya marunong, magaling siya,” pahayag pa ng box office director sa presscon the other night ng Hello, Love Goodbye nina Alden at Kathryn Bernardo.

Aminado naman si Alden na hindi niya akalain na ganun ang magi­ging effect niya kay Direk Cathy. “Sobra akong na-move, na-touch. And siguro ganu’n naman talaga, you just be yourself and let other people speak for you,” na napaluhod at naluha sa mga papuri ng direktorang balitang itutuloy na ang pagre-retire.

Dream come true rin ito para sa Kapuso actor dahil big fan daw siya talaga ng mga pelikula ni Direk Cathy. As in halos lahat ng pelikula nito, napanood niya. “Pinangarap ko po talaga na maka-arte sa camera ni direk Cathy kasi fan po ako ng mga pelikula niya.”

Overwhelmed din siya sa mga pangyayari lalo na nga at maganda ang feedback ng pelikula nilang walang nag-expect noon na matutuloy. “Siyempre, hindi ko po in-expect na magiging posible na ang isang GMA actor ay makakatapak sa ABS-CBN.

“And I’m really thankful for the opportunity given to me especially to GMA for letting me to do this film. Masaya po ako, kay Kathryn for letting me in,” banggit pa ni Alden.

Anyway, hindi madali ang pinagdaanan nila particular na nga sa shooting nila sa Hong Kong for one month lalo na sa part ni Kathryn na binawalang makipag-tiskahan sa mga co-star at staff. Binawalan din siyang gumamit ng  telepono para maramdaman ang dusa na dinaranas ng mga kababayan nating nagpapakapagod sa ibang bansa para lang matustusan ang kanilang pamilya dito sa Pilipinas.

Isolated nga si Kathryn habang kinukunan ang ibang heavy scenes. Kinumpiska ang telepono kaya nawalan siya ng way para makausap si Daniel Padilla na pinaglalabasan niya ng dinaranas na hirap sa shooting.

Aminado ang aktres na halos maaning siya sa nangyari bukod pa sa umiiyak siya gabi-gabi at gusto na niyang layasan ang shooting.

At kung gumagamit man siya ng telepono, for music lang at hindi puwede ang social media.

Kaya nang malaman nilang darating doon si Daniel, itinago nila ito dahil nga heavy ang mga scene na kukunan at nine pages ang script so bawal ang ‘distructions.’

 Pagkatapos lang ng eksena saka niya (Direk Cathy) pinayagang magkita ang dalawa na kitang-kita sa video ang happiness. “Napaaga siya. Siguro nakita niyang mabaliw-baliw na ako.

“Kaya pala kinonfiscate din yung phone ko, kasi baka makita ko sa social media, may mga nagpa-picture sa kanya sa airport,” kuwento pa ni Kathryn na matagal-tagal ding nagtampo kay Direk Cathy.

Anyway, ngayon ay super supportive si Daniel sa pelikula nila ni Alden.

 Showbiz couple may pag-aari raw na farm ng marijuana sa amerika

Big time as in buhay bilyonaryo pala ang isang showbiz couple sa Amerika.

At ang source of income diumano nito, galing sa pag-aari nilang farm. Pero ang mga nakatanim sa farm, marijuana.

Yup, you read it right. Ayon sa source na kagagaling lang ng Amerika, ‘yun ang alam ng mga Pinoy na doon na rin nakatira sa isang lugar sa California.

Kung sabagay, legal naman sa more than 10 states sa United States ang marijuana para sa recreational purposes. At baka dun nga naman sila nagsu-supply.

As long as legal doon, walang masama. Pero ganun pa man, marijuana pa rin ‘yun.

Kaya pala hindi na nila naiisipang umuwi ng bansa dahil nga sa bonggang negosyo nila.

Amay Bisaya bagong lider ng mga artista

Bongga, si Amay Bisaya na pala ang bagong presidente ng Kapisanan ng mga Artista ng Pelikulang Pilipino at Telebisyon (KAPPT).

Yup, siya diumano ang ipinalit sa posisyon ni Vice Governor Imelda Papin na gustong mag-concentrate sa bago niyang position sa Bicol.

Kung sabagay matagal nang gusto magkaroon ng posisyon ng beteranong supporting actor. Ilang beses na kaya siyang kumandidato.

Sadly lang, lagi siyang talunan. At least ito na, natupad na ang pangarap niya.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with