^

PSN Showbiz

True ba? Mapapangasawa ni Angel, marami raw utang!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
True ba? Mapapangasawa ni Angel, marami raw utang!

Ang daling hulaan ng mga blind items kahapon sa digital show na Take It... Per Minute (Me Ganun) nina Nay Lolit and Nay Cristy with Mr. Fu.

Unang blind item ay ang tungkol sa isang aktor na super eklayera raw.

As in iba ang sinasabi sa ginagawa na nabiktima ang isang komedyante.

Eh ito palang aktor na ito pakiramdam niya ay siya ang hulog ng langit dahil nga in fairness ay mahusay naman talaga.

Ang isa naman ay tungkol sa isang sexy actress na nagpapabili ng condom sa kanyang personal assistant pero pinaririnig niya sa lahat na kinaloka ng mga nakarinig sa taping.

Hahaha. Ang blind items ang isa sa mga inaabangan ng regular viewers ng TIPM every Tuesday, 12:00 to 1:00 p.m. sa Facebook page ng Pilipino Star Ngayon.

Anyway, hindi naman nila ginawang blind item ang isyung diumano’y may mga utang daw ang mapapangasawa ni Angel Locsin na si Neil Arci kaya maraming naawa kay Angel. Nagwo-worry sila na baka ang actress pa raw ang magbayad.

Bilang negosyante, hindi naman daw nawawala ang mga utang pero ito diumano ay epekto ng sunud-sunod na pakikipag-co produce ni Neil sa maraming pelikula na hindi gaanong kumita.

True nga ba ito?

Ang pakiramdam nila sobrang linis nina Iya Villania and Drew Arellano kaya kinapitan ng Hand, Foot and Mouth Disease ang kanilang panganay na anak.

Nawalan na raw siguro ito ng antibodies na panlaban sa mga mikrobyo na ang tendency nga ay ang mahinang resistensiya ng katawan.

Sana nga ay gumaling na agad ang two-year old son ng mag-asawa na si Primo.

Nag-invite naman ang entertainment editors na sina Ian Fariñas, SPEEd President (Society of Philippine Entertainment Editors) and Isah Red (Chairman Emeritus) para sa gaganapin na The Eddys 2019.

Sa Sunday na magaganap ang inaabangang The Eddys 2019. Si Ms. Korina Sanchez ang host at tulad sa mga naunang nasulat, mainit na inaabangan kung sino ang mananalong Best Actor and Best Actress.

Maging ang Best Picture ay mainit ang bakbakan.

Mahigpit ang auditor / official tabulator ng grupo na si Mr. Juacho Robles kaya never na nagkaroon ng kahit katiting na leakage ang mga nanalo sa The Eddys.

Mapapanood ang delayed telecast ng The Eddys 2019 sa Colours ng Cignal TV, directed by Calvin Neria.

Filipiniana ang theme bilang pakikiisa sa celebration ng 100 years of Philippine Cinema.

Anyway, abang-abang lang dahil inaayos pa ang airing ng Take It... Per Minute (Me Ganun) sa One PH ng Cignal TV.

Sa mga hindi pa nakakapanood ng episode kahapon ng TIPM, i-like or i-follow lang ang Pilipino Star NGAYON Facebook page.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with