^

PSN Showbiz

Young actress ginagamit ang bestfriend para maloko ang karelasyong aktor

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Totoong-totoo ang kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag. Bibilang lang muna nang ilang panahon ang pinakatatagu-tagong kuwento pero isang araw ay lalabas din.

Ang mga bumibida sa kuwentong ito ay isang magandang young actress at isang dating young actress din. Magkaibigan sila. Super-close.
May kuneksiyon ang kapatid ng young actress sa kanyang kaibigan, para na silang magkakapa­milya, palagi silang magkakasama kahit saan.
Kuwento ng aming source, “Pero walang kaala­m-alam ang mother ng young actress na may milag­rong ginagawa ang magkaibigang ‘yun! Maloloka si madir kapag nalaman niya kung ano ‘yun!
“May boyfriend si young actress na young actor din. Panalo ang relasyon nila sa harap at likod ng mga camera! Mundo siya ng young actor, sa kanya umiikot ang buhay ng guy. Mahal na mahal siya.

“Pero walang kaalam-alam ang young actor na may iba nang pinagkakaabalahan ang girlfriend niya. Ang tulay, ang dating young actress din na bestfriend niya,” unang kuwento ng aming impormante.

Magkakuntsaba ang dalawang babae sa milagro, magpapaalam ang young actress sa kanyang ina na pupunta siya sa bahay ng bestfriend niya, ihahatid naman siya du’n ng kanilang driver.

Patuloy ng aming source, “Totoo namang du’n siya nagpupunta, du’n nga siya inihahatid ng family driver nila. Pero after a few minutes lang, e, may sumusundo nang guy sa kanya!

“Isang kilalang hunk actor ang sumusundo sa young actress, silang dalawa lang ang nakakaalam ng destinasyon nila. Matagal silang magkasama, buong akala ng mommy ng young actress, e, nandu’n lang siya sa house ng bestfriend niya!

“Paano nga hindi tatabangan ang young actress sa karelasyon niyang young actor, e, meron na siyang bagong pinagkakaabalahan? Hunk na hunk ang male personality, nagmumura ang katawan, compared sa boyfriend niya na may kanipisan ang body!

“Ang nakakaloka lang, e, may karelasyon ang hunk actor! Alam kaya ng girlfriend niya na may nagaganap sa kanila ng magandang young actress?

“At paano tatanggapin ng mommy ng young actress ang mga nangyayari ngayon? Pagkakatiwalaan pa kaya niya ang dating young actress na parang kapamilya na kung ituring nila?

“Hay, naku! Masarap ding paluin ng bareta ng sabon ang young actress na ito! Nakakaawa naman ang young actor na siya na ang itinuturing na mundo!” napapailing na pagtatapos ng aming source.
Ubos!

Kris madaling mahalin, pero di dapat seryosohin

Naging paksa namin nina Manay Lolit Solis at Mr. Fu sa Take It... Per Minute (Me Ganu’n!) ang makasaysayang si Kris Aquino. Kapadung-kapado kasi namin ni Manay Lolit ang mga kalokahan ni Kris.

Wala nang maitatago sa amin ang actress-TV host, nasubaybayan namin ang kanyang showbiz career, kaya pati ang kanyang ugali ay lantad na lantad na sa amin ni Manay Lolit.

Pinipitik namin si Kris kapag nagmamalabis, unang-una kaming pumupuri sa kanya sa mga pagkakataong nasa tama siya, alam ni Kris sa kanyang sarili na hindi namin mapalalampas ang kanyang mga huwisyong hindi maganda.

Pero kahit anong bira pa ang gawin namin sa kanya ay hindi niya kami binabastos, hindi na lang siya kumikibo kapag alam niyang hindi niya kami kakampi, sa bandang huli ay siya ang susuko dahil alam niya na siya ang may pagkakamali.

Ang tulad ni Kris ay kailangang binabantayan ang mga galaw at pananalita, taklesa siya at nagmamalabis madalas, kailangang may sumusuheto sa kanya para lumalapat ang magkabila niyang paa sa lupa.

Nasa kanya na kasi ang lahat-lahat, wala na siyang hahanapin pa sa buhay na ito, madaya ang ganu’ng pakiramdam dahil puwede niyang isipin na kayang-kaya na niyang lamunin ang kahit sino.

Kinakastigo ang ganu’ng dila, hindi kinakampihan ang kanyang pag-iinarte, pero ang kagandahan ng kanyang puso ay dapat lang palakpakan.

Lukring si Kris Aquino. Ang sinasabi niya ngayon ay iba na kinabukasan. Hindi niya napaninindigan ang kanyang mga sinasabi.

Sinsero ang pagmamahal namin kay Kris, pero hindi namin siya sineseryoso sa maraming aspeto, kapag ganu’n ang ginawa namin ay baka mauna pa kaming mangailangan ng doktor para tingnan kung balanse pa ang aming pag-iisp.

Ganu’n!

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with