^

PSN Showbiz

Kita ng movie nina Kathryn at Alden, gwardyado na agad ng fans

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Kita ng movie nina Kathryn at Alden, gwardyado na agad ng fans
KathDen

Ang fans ang mas excited sa pagpapalabas ng pelikula na unang pagtatambalan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na Hello, Love, Goodbye. Dito kasi nakasalalay at mapapatunayan  sa box-office kung sino kina Alden at Daniel Padilla ang merong mas mara­ming fans na siguradong unang pipila sa takilya.

Maungusan kaya ng Hello, Love, Goodbye ang box-office result ng The Hows of Us? Pelikula ng KathNiel na nagtala ng pinakamalaking kita sa takilya at hindi pa napapatu­ngan, hanggang sa ngayon.

Syempre, sa Aldenatics nakasalalay ang resulta ng HLG. Sigurado namang hindi ipapatalo ni direk Cathy Garcia-Molina sa mga naunang pelikula ng KathNiel ang movie ng KathDen kung ganda ng movie ang pag-uusapan at suportado rin naman ni Daniel ang pelikula.

Walang dahilan para hindi ito panoorin ng lahat.

Joshua at Julia nag-iisnaban na

Patutunayan din naman ni Joshua Garcia na kaya niyang magkaroon ng solo career at kaya niyang itawid ito. Bago naman nabuo ang tambalang JoshLia nila ni Julia Barretto ay kinikilala na ang husay niya sa akting. Walang dahilan para hindi niya ito maitaguyod ngayong pinaglalayo na sila  at balitang hiwalay na rin daw sila sa totoong buhay.

Hindi nga ba sila nagpapansinan sa kanilang ginagawang movie na Block Z? Pero ayon sa mga nakakakita, hindi apektado ang kanilang trabaho. Kaya lang kung magpapatuloy ang kanilang isnaban, ‘di kaya ito makaapekto sa pelikula nila na dapat entry para sa Metro Manila Film Festival 2019? Ang pagiging seloso kaya ni Joshua ang nag-trigger ng hinihinalang split nila?

Samantala, sa Sabado ay paiiyakin ni Joshua ang mga manonood sa Maalaala Mo Kaya sa isang episode na bahagi ng pagdiriwang ng 28th anniversary ng nangu­ngunang drama anthology ng bansa. Isa siya sa mga sundalo na nasawi sa giyera sa Marawi. Maganda ang kuwento ng role niyang sundalo na hindi takot mamatay.

Hindi naman nag-iisa si Joshua na magpapaiyak, kasama rin niya sina Ja­nice de Belen at Cris Villanueva.

Gabbi naudlot ang ‘launching’

Hindi lamang si Eddie Garcia ang minalas sa bagong serye ng GMA-7 na Rosang Agimat nang maaksidente ito at mapatid sa isang cable na gamit sa taping, kung hindi si Gabbi Garcia rin, dahil may posiblidad pala na hindi na ituloy ng Kapuso Network ang nasabing serye.

Pinakamalaking break na sana ito ni Gabbi pero mukhang hindi pa ito ang tamang panahon. Una nang tinanggihan ito ni Rhian Ramos nung 2007. Ngayong nakabuo na ng cast na hindi lamang si Manoy Eddie ang kasama kung hindi maging sina Manay Celia Rodriguez, Tonton Gutierrez, Roi Vinzon, Luz Valdez, Victor Neri at marami pa at saka naman nagkaroon ng bulilyaso dahil nga sa aksidente ni Manoy.

Enrique sinundan sa US si Liza

Kung ang mga loveteam ay naghihiwalay, at pinaghihiwalay sa mga proyekto happy naman ang LizQuen nina Liza Soberano at Enrique Gil sa kanilang pamamasyal sa Hollywood. Sinundan ni Enrique ang kanyang kapareha at nobya sa US na nagpapa-opera ng kanyang daliri na nabali sa set ng Bagani. Wala pa namang dapat ipagalala ang magka-loveteam, wala pa namang pahimakas ng kanilang paghihiwalay, sa karera man nila o personal na buhay.

vuukle comment

ATHDEN

KATHRYN BERNARDO AND ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with