^

PSN Showbiz

Daniel nagpapaka-singer muna!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Daniel nagpapaka-singer muna!
Daniel

Hindi naman nadedehado si Daniel Padilla kahit wala muna silang project ni Kathryn Bernardo. Meron siyang singing voice na magagamit para hindi siya mawalan ng exposure at hindi masayang ang panahon niya.

Hindi lamang siya sa concert puwedeng sumabak. Kinuha siya ng Cinema One para siya ang kumanta ng theme song para sa ika-25th aniversary nila.

Hindi man siya makitang umaakting sa screen, malaki man o maliit, maririnig naman ang boses niya sa mga palabas sa channel na nagtatampok ng mga palabas ng Cinema One.

Matatandaan na nagkasama sila ni James Reid sa paggawa ng TVC para sa Doble Hataw project ng softdrink. Naging abala rin si DJ at hindi lang basta naghintay na matapos ng kapareha niya ng pelikula nito kasama ang isang Kapuso na si Alden Ri­chards.

Zanjoe may gagawing pang-Father’s Day

May purpose rin pala ang balsa bukod sa pagiging isang sasakyang pantubig. Matapos ang napakahusay na performance nina Enchong Dee at Zaijian Jaranilla sa nakaraang episode ng Maalaala Mo Kaya, si Zanjoe Marudo naman ang magbabalik-TV matapos ang mahaba-haba niyang absence sa TV screen after Playhouse.

Ikalawang episode ito ng MMK for its 28th anniversary at isang special Father’s Day presentation tungkol sa isang ama ng tahanan na ginawang isang munting paaralan ang kanyang balsa na kung saan ay dinala niya ang mga kabataang hindi nag-aaral para sila bigyan ng edukasyon sa gitna ng pagtutol ng mga magulang ng mga bata na inakalang sinasayang lamang niya ang oras nila at inaagaw ang panahon na dapat ay tumutulong na lamang sila sa mga bahay nila.

Kasama ni Zanjoe sa episode sina Isabelle Daza at Joey Marquez, sa direksyon ni Carlo Po Artillaga.

Jessa walang magawa kina Jayda at Darren

Talagang hindi na mapipigilan ni Jessa Zaragoza ang closeness ng kanyang anak na si Jayda Avanzado at Darren Espanto. Kahit ayaw pa niyang paligawan si Jayda kay Darren, nakapag-establish naman na ang dalawa ng friendship na sing-tatag ng pader.

Sa pagkakaibigan nagsisimula ang maraming mga kuwento ng pag-ibig. 

Paano ba niya mapipigilan ang pangunguna ni Darren sa pagbibigay ng surprise birthday party kay Jayda. Gesture lang ito ng kanilang friendship at magiging kontrabida siyang masyado kapag pinigilan niya ito. Tsk. Tsk. Tsk.

John Lloyd tuloy ang pagpaparamdam

‘Nagbabadya na nga ba ng pagbabalik si John Lloyd Cruz sa pag-aartista dahil sa pagkikita nila ni Bea Alonzo sa El Nido, Palawan? Ito ang paniniwala ng maraming tagasubaybay ng dating loveteam bagaman at meron din namang naniniwala na baka may negosyong binabalak ang dalawa na parehong may property sa naturang lugar.

Baka sa tagal ng hindi pagtatrabaho ng aktor ay nagbibenta na siya ng kanyang property. Mas kapanipaniwala ito kaya naman sa ispekulasyon na magbabalik-showbiz na agad ang aktor ganung ‘di pa naman natatagalan simula nang iwan niya ito.

vuukle comment

DANIEL PADILLA

JOHN LLOYD CRUZ

ZANJOE MARUDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with