^

PSN Showbiz

Bagong Alempoy movie, iba sa Kita Kita!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Bagong Alempoy movie, iba sa Kita Kita!
Alessandra de Rossi at Empoy Marquez

Muling magtatambal sa isang pelikula sina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez. Matatandaang tumabo nang husto sa takilya ang ‘Kita Kita’ na pinagbidahan ng dalawa noong 2017. “Nag-meeting na kami sa Cornerstone office which is sa Spring Films kami ni Alessandra de Rossi. Reunion namin with direk Sigrid Bernardo,” bungad ni Empoy.

Ayon sa komedyante ay ibang-iba ang tema ng bagong gagawin nila ni Alessandra at malayo ito sa una nilang nagawa. “Hindi siya sequel kasi namatay si Tonyo (karakter ni Empoy sa Kita Kita). It’s another movie na very interesting. Sinusulat na din ngayon ang script at kailangan ulit na mapanood ng mga tao ito. Para sa inyo,” pagbabahagi ng aktor.

Aminado si Empoy na ngayon pa lamang ay nakararamdam na siya ng pressure para sa bagong pelikula. Sobrang pinag-usapan at tinangkilik ng mga mano­nood ang Kita Kita kaya pumatok ang tambalan ng Alempoy. “Siguro masasabi kong oo. Kasi ‘yun ang expectation ng mga tao. Pero ipag-pray natin ulit ‘to na maganda ‘yung kalabasan dahil wala naman kaming plano kung hindi pasayahin lang ang lahat ng manonood,” pagtatapos niya.

Inaasahang ipalalabas sa mga sinehan ang bagong pelikula nina Alex at Empoy bago magtapos ang taon.

Kiervi, magbibida sa MMK

Sa kauna-unahang pagkakataon ay makapagbibida na sa Maalaala Mo Kaya sina Vivoree Esclito at ang miyembro ng Hashtags na si Charles Kieron o mas kilala bilang si CK. Si John Lapus ang direktor ng episode na pagbibidahan ng tambalan ng KierVi.

“Sobrang excited kasi first time naming magbibida sa MMK. Sobrang magandang story ang ibinigay sa amin. ‘Yung pagkasulat, ‘yung pagkakwento, sobrang iba siya sa mga nagampanan na namin na role ni Vivoree,” paglalahad ni CK.

Naging viral sa internet ang music cover ng KierVi ng Rewrite the Stars noong isang taon. Ngayon naman ay ang bagong video nilang ginawa para sa kantang A Whole New World ang pinag-uusapan. “Sinasabayan kasi namin kung ano ang pinapalabas na movie. Kasi noong pinalabas ang The Greatest Showman sobrang nagustuhan namin ‘yung song na Rewrite the Stars. “Napagdesisyunan namin and ng management namin na i-cover ‘yung song na ‘yon. Ngayon na lumabas ‘yung ‘Aladdin’ so nag-cover din kami ng ‘A Whole New World’ and gumawa kami ng sarili naming version,” nakangiting pahayag ng baguhang aktor.

Samantala, nagpapaganda na rin ng katawan ngayon ang binata. Para kay CK ay pinaghahandaan lamang niya ang mga proyektong posibleng gawin sa mga susunod na taon. “Sigu­ro sa akin lang ‘yon. Parang gusto ko lang maging fit para kapag may darating man na project, at least prepared tayo,” pagtatapat ni CK.  (Reports from JCC)

vuukle comment

ALESSANDRA DE ROSSI

EMPOY MARQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with