^

PSN Showbiz

Showbiz personalities umapela ng panalangin para kay Eddie Garcia

James Relativo - Philstar.com
Showbiz personalities umapela ng panalangin para kay Eddie Garcia
Dumanas ng bali sa leeg si Garcia, na kilala rin sa palayaw na "Manoy," ayon sa pahayag ng kanilang family doctor na si Enrique Lagman.
File

MANILA, Philippines —  Nanawagan ang ilang artista't personalidad sa mundo ng showbiz na ipagdasal ang mabuting kalagayan ng aktor na si Eddie Garcia, matapos mapatid ng kable sa taping ng Kapuso serye na "Rosang Agimat" noong Sabado.

Dumanas ng bali sa leeg si Garcia, na kilala rin sa palayaw na "Manoy," ayon sa pahayag ng kanilang family doctor na si Enrique Lagman.

Kasalukuyang nasa Makati Medical Center si Garcia sa intensive care unit.

"Let’s bombard the heavens with prayers for the speedy recovery of veteran actor-director Eddie Garcia now in critical condition," sabi ni Sharon Cuneta sa kanyang paskil sa Instagram kahapon.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta) on

Mahalaga raw kay "Ate Shawie" ang aktor, lalo na't gumanap raw siya bilang kanyang ama sa una niyang pelikula, at nakasama nang marami pang beses sa pinilakang tabing.

"He directed my 2nd, 3rd, 4th, 5th, 6th movies, and a couple more, and a big part of all I have learned in terms of acting, work ethic, professionalism came from HIM," dagdag pa niya sa hiwalay na post.

Ito rin ang ipinaabot sa kanya ng singer, song writer at komedyanteng si Ogie Alcasid.

"Dear friends, let us please pray for our tito Eddie Garcia," sabi niya sa Twitter.

Giit naman ng komedyante at noontime show host na si Vice Ganda, tiyak ang paggaling ng 90-anyos na aktor sa tulong ng mga dasal.

"Lord God we pray for Tito Eddie Garcia’s wellness and safety. He will be healed. We claim in Jesus’ name, Amen," ani Vice.

Sa kanyang paghingi ng panalangin sa publiko, nagawa namang ipaskil ng aktres na si Vivian Velez ang ilang imahe sa aksidenteng tinamo ni Garcia.

Makikitang karay-karay ng mga nagtratrabaho sa set ang aktor bago dalhin sa pagamutan.

 

 

Unang naibalitang inatake sa puso at comatose ang beteranong aktor ngunit pinabulaan din ito kinalaunan.

Sinabi ng direktor na si Bibeth Orteza na nasa "deep sleep" pa rin ang kaibigan noong Linggo.

"Well, noong dinalaw ko siya kahapon, he was still in deep sleep and nilalagyan siya ng traction para mabawasan ‘yung pressure. He was in deep sleep kahapon so hindi siya nakakausap," sabi ni Orteza sa panayam ng "Unang Balita" sa GMA.

Sa kabila ng edad, prominente pa rin ang aktor sa kanyang pagganap bilang "Don Emilio" sa Kapamilya serye na "Ang Probinsyano" nitong mga nagdaang taon.

Matatandaang nasungkit pa ni Garcia ang "Special Jury Prize" sa 2018 Metro Manila Film Festival para sa pelikulang "Rainbow's Sunset," na kanyang pinagbidahan.

Humakot ng 11 parangal ang nasabing pelikula.

vuukle comment

ACCIDENT

EDDIE GARCIA

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with