^

PSN Showbiz

KC pumalag nang sabihang mukhang balyena

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
KC pumalag nang sabihang mukhang balyena
KC

Hindi namin maintindihan kung saannanggagaling ang galit ng netizens kay KC Concepcion dahil kahit anong post ni KC, laging may negative reaction ang mga ito. Kahit hindi para sa kanila ang post ng eldest ni Sharon Cuneta, sumasawsaw ang bashers ni KC.

Gaya na lang ng post ni KC sa birthday ng sister niyang si Miel, napaka-positive ng comment nito, pero nahanapan pa rin ng mali. May mga nag-i-insist pa rin na anak niya si Miel, kahit sinabi na ni KC na nasa Paris siya nang ipanganak ni Sharon si Miel. Tinigilan na lang ni KC ang pagpapaliwanag dahil hindi rin naman nakikinig ang bashers niya.

Pati nga ang pagpo-post niya ng favorite niyang brunch na Avocado toast and smoked salmonay ninenega rin. Pero, nakakatuwa ang pagpatol ni KC sa basher na kinontra ang food niya dahil hindi maganda sa diet ni KC.

“Who said I was on YOUR diet?” ang sagot ni KC na pinalakpakan ng kanyang followers.

The same basher na nagsabing ang taba niya (KC), magpapayat siya at mabuti pa ang mom niya (si Sharon) pumapayat na, samantalang si KC, nagiging balyena na.

“Thank you for body-shaming me. I’m sure you feel very proud of yourself,” na muling pinalakpakan ng kanyang followers.

Speaking of KC, kailan kaya siya babalik sa telebisyon, pwede naman niyang ipagpatuloy ang kanyang jewelry line na tinawag niyang Avec Moi by Kristina kahit nasa TV siya. Sayang kasi ang ganda at husay mag-host ni KC, kung hindi siya napapanood.

Derrick join na sa Rak…

Kasama na pala si Derrick Monasterio sa cast nang nagbabalik na Rak of Aegis at noong isang araw, nagsimula na siyang mag-reading together with the other cast. Hindi sinagot ang tanong namin kung ano ang role ni Derrick sa musical play na mapapanood pa rin sa PETA.

Sana, ‘yung role na Lito na ginampanan nina Jerald Napoles at Pepe Herrera na bangkero ang role ni Derrick sa Rak of Aegis. Bukod sa maganda ang exposure, mahal ng audience si Lito at ang ganda ng ending ng karakter nito. Ayaw naming mag-spoiler, kaya hindi namin sasabihin ang ending ng karakter ni Lito.

Ang Rak of Aegis  at ang pelikulang Go La Union ang pinagkakaabalahan ni Derrick, kaya pass muna siya sa teleserye. But knowing him, ‘pag may dumating na offer sa kanya, aayusin nito ang schedule para magawa.

Kris hinihintay ang bagong gimik

Kasusulat pa lang namin sa title ng bagong Afternoon Prime ng GMA 7 na The Haunted Wife, heto at nabalitaan namin na iniba na ang title ng soap. Hanggang Sa Dulo ng Buhay Ko na ang title nito with the same cast.

Si Rayver Cruz pa rin ang leading man at sina Megan Young, Kim Domingo at Kris Bernal pa rin ang leading ladies. Parang malapit na ang airing ng afternoon soap dahil nagsimula na ang mall tour ng cast.

Naalala namin, sa unang pagtatambal nina Kris at Rayver sa Asawa Ko, Karibal Ko, inamin ni Kris na matagal na niyang crush si Rayver kahit noong nasa ABS-CBN pa ang binata. Gimik man o hindi ang inamin ni Kris, nakatulong ‘yun sa promo ng soap. Para sa Hanggang Sa Dulo ng Buhay Ko, ano naman kaya ang aaminin ni Kris?

Robin papasok na rin sa Army

Pati pala si Robin Padilla ay papasok sa Philippine Army Reserve para samahan ang mga estudyante na ayaw ibalik ang Mandatory ROTC.

Sabi ni Robin: “We have to be trained militarily to defend our country. Support the mandatory ROTC. Samantalahin natin ang pagkakataon na wala pang dayuhang mananakop ang pumipigil sa karapatan nating maipagtanggol ang ating Inang Bayan hindi lamang sa digmaan kundi sa kalamidad. Walang tatalo sa maagap at nakahanda.”

Hindi pa binanggit ni Robin kung kailan siya papasok sa military at kung sa Philippine Army siya, pareho sila ni Matteo Guidicelli na nagti-training ngayon sa Camp Tecson sa San Miguel, Bulacan.

vuukle comment

KC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with