^

PSN Showbiz

Luis hindi naiboto si Edu

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Luis hindi naiboto si Edu
Luis Manzano

SEEN: Kasama ni Lipa City House Representative Vilma Santos- Recto ang kanyang asawa na si Senator Ralph Recto at ang kanilang mga anak na sina Luis Manzano at Ryan nang bumoto siya kahapon sa Inosluban Elementary School sa Lipa City. Re-electionist ang Star Season bilang house representative ng lone district ng Lipa City.

SCENE: Kandidato na house representative ng lone district ng San Juan City si Edu Manzano pero hindi siya ibinoto ng kanyang anak na si Luis Manzano dahil registered voter ito ng Lipa City. Ipinangampanya na lamang ni Luis ang congressional bid ng kanyang ama.

SEEN: Ang kanyang asawa na si Yasmine Vargas ang kasama ni Alfred Vargas nang bumoto ito kahapon sa Novaliches. Kapag nanalo si Alfred, last term na niya bilang congressman ng 5th District ng Quezon City.

SCENE: Sinuportahan ni Willie Revillame ang mayoral bid ni Vice Mayor Joy Belmonte sa Que­zon City. Umakyat si Willie sa entablado ng miting de advance noong Sabado ng partido ni Vice Mayor Joy para i-endorso ang kandidatura nito.

SEEN: Bumoto si Vice Mayor Joy Belmonte sa polling precinct ng Christ The King Seminary sa E.Rodriguez Sr. Avenue, Quezon City. Hindi tumagal ng sampung minuto ang pagboto ni Vice Mayor Joy.

SCENE: Limang oras na naghintay si Vico Sotto bago nakaboto dahil nasira ang vote counting machine sa polling precinct sa Valle Verde, Pasig City na pinuntahan niya. Kumakandidato si Vico na mayor ng Pasig City.

SEEN: Nabigo ang walong beses na pagtatangka na tanggapin ng vote counting machine ang balota ni former Vice-President Jojo Binay nang bumoto ito kahapon. Pinayagan si Binay na muling bumoto nang magreklamo siya sa Commission on Elections. Parang nagprotesta pa ang mga vote counting machine sa polling precinct dahil hindi nila matanggap ang pag-aagawan sa kapangyarihan ng magkapatid na Abby at Junjun Binay. Si Abby na incumbent mayor ng Makati ang kinampihan ng Binay patriarch samantalang si Junjun ang sinuportahan ng kanilang ina, ang former Makati City Mayor na si Dra. Elenita Binay.

SCENE: “Kung maganda ang hangarin mo sa iyong lungsod di mo kailangan mandaya para manalo ka. Di mo kailangan maghakot ng mga tao para bayaran. Lahat ng kasamaan may hangganan. Nakakalinlang ka man ng tao pero di sa mata ng Diyos!” ang mensahe ni Rochelle Barrameda sa isang kandidato na hindi niya pinangalanan. Tumatakbo si Rochelle na konsehal sa unang distrito ng Parañaque City.

vuukle comment

LUIS MANZANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with