Edu parang si Goma!
Sad naman ako sa nangyayari ngayon kay Edu Manzano dahil naniniwala ako na tulad ni Richard Gomez, very passionate siya na magkaroon ng chance na maglingkod.
Nakikita naman nating lahat na napatunayan ni Richard ang kakayahan nito na maglingkod sa kapwa bilang mayor ng Ormoc City.
Si Edu can also be a good leader and public servant na na-prove niya nang mahalal siya na vice mayor ng Makati City noong 1998.
Kahit sa showbiz, kitang-kita ang wisdom at kabutihan ng puso ni Edu, pati ang kanyang leadership nang maging presidente siya ng Katipunan ng mga Artista sa Pelikulang Pilipino at chairman ng Optical Media Board mula 2004 hanggang 2009.
Ipinamalas ni Edu ang dedication nito sa mga obligasyon na ipinagkatiwala sa kanya at wala siyang scandal na kinasangkutan.
Isa si Edu sa mga edukadong artista natin kaya karapat-dapat siya na mamuno at umupo sa anumang posisyon na gusto niya.
Fight Edu, keep on fighting dahil alam ko na gaya ni Richard Gomez, matutupad ang pangarap mo na muling makapaglingkod sa bayan. The path is and always hard to cross, but you will get there, in His perfect time, just wait.
Samantala, kahit may desisyon ang COMELEC second division na kanselahin ang certificate of candidacy ni Edu bilang house representative ng San Juan City, hoping and praying ang mga nagmamahal sa kanya na malalampasan niya ang pinagdaraanan na pagsubok at malulutas ang kaso bago sumapit ang eleksyon sa darating na Lunes.
Probinsiyano 2 ang gumagamit sa partylist
Dalawa pala ang partylist na gumagamit sa title ng longest running soap ni Coco Martin pero ang Ang Probinsyano ni Ronnie Ong na Number 54 sa balota ang talagang ini-endorso nila ni Yassi Pressman.
Kailangan na malaman ng voters na Number 54 at hindi ibang number ang dapat na ilagay nila sa balota dahil ang Ang Probinsyano ang party-list na tunay na pinaniwalaan ni Coco.
Layunin ng Ang Probinsyano na tulungan ang mga magsasaka at ang mga taga-pro-binsiya sa kanilang mga pangangailangan.
Matagal na naming kilala ni Ricky Lo si Ronnie Ong kaya sigurado kami na mabuti na tao siya. So far, maganda ang resulta ng paglilibot ni Coco sa ilang lugar para patotohanan na talagang buo ang pananalig niya sa Ang Probinsyano party-list.
Mabuti ang kalooban ni Ronnie na kapangalan pa ng original Probinsyano, si Fernando Poe, Jr. aka Kuya Ron so we know his work will give him victory.
- Latest