^

PSN Showbiz

Heart hindi na ipangangalandakan pag nabuntis uli!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Heart hindi na ipangangalandakan pag nabuntis uli!
Heart

Abala lang ngayon sa pangangampanya si Sen. Chiz Escudero dahil tumatakbo siyang Governor ng Sorsogon. Tumutulong si Heart Evangelista, pero ang isa pala sa plano nilang mag-asawa ngayong taon ay magka-baby na.

Sinagot ni Heart itong planong magka-baby, sa question and answer session na ginawa niya sa kanyang Instagram kamakalawa lang.

Meron kasing isang fan niya na nagtanong kung pinaplano na ba nila uli ang magka-baby.

Aminado naman si Heart na medyo na-trauma talaga siya pagkatapos siyang nakunan. Kung hindi ako nagkamali, dalawang beses siyang nakunan nung nakaraang taon, dahil huli na nilang nalaman na kambal pala ang dapat na ipagbubuntis niya.

Sagot ni Heart sa tanong na ito sa kanya; “I am currently focusing on what the universe all of a sudden presented to me, and so maybe we try again end of next year.

“But one thing is for sure, I will announce only when I give birth.

“I will make sure to protect my baby from any kind of negative energy.”

Mas mabuti nga sigurong itago na lang ni Heart ang totoo niyang kalagayan kung sakaling mabuntis uli ito.

Ibang talents na nag-audition sa Starstruck sangkot na agad sa scandal!

Sa susunod na linggo pala ay iri-reveal na sa 24 Oras ang buong detalye ng i-naabangang talent-reality show na Starstruck.

Ayaw pa nilang magbigay ng buong detalye pero ang nasagap ko lang, si Dingdong Dantes pa rin ang maghu-host.

Hindi pa nasabi kung sino ang co-host niya. Pero ang uupong judges daw ay sina Heart Evangelista, Cherie Gil at may isa pa.

Ayaw pang sabihin kung sino ang isang judge pero lalaki raw ito at magaling sumayaw.

Sa June pa magsisimula ang Starstruck, pero matagal na silang nagpa-audition at ang dami na raw talents na nakitaan nila ng potential na maging big star.

Pero ngayon pa lang, may ilan nang naiintriga na sangkot sa ilang iskandalo. Sex video scandal ba ito?

Kaya ewan ko lang kung makakalusot sila at mapapabilang sa mga finalist.

Paolo hindi akalaing first time director si Michael V.

Si Paolo Contis ang isa sa tuwang-tuwa na napasama sa proyektong prinodyus at dinirek ni Michael V. na Family History na co-production ng kanyang Mic Test Entertainment at GMA Pictures.

First venture ito ni Bitoy sa tulong ng asawa niyang si Carol Bunagan.

Gagampanan ni Paolo ang karakter na si Rommel ang supportive bestfriend ni Bitoy.

Lalo siyang bumilib kay Michael V. dahil bukod sa magagandang ideya ng kaibigan, napaka-organize daw nila sa set.

“Parang hindi siya first director eh. Sa dami ng nakatrabaho niya and very close to him, masaya ako na I was handpicked to be his bestfriend sa pelikula,” pakli ni Paolo.

Magkasama kasi sila sa Bubble Gang kaya nakita naman ni Bitoy na magaling naman talaga si Paolo.

Kahit pagod sa pag-aalaga si Paolo kay Baby Summer nila ni LJ Reyes at lagare sa taping ng Hiram na Anak, natutuwa pa rin dahil may ginagawa siyang pelikula.

vuukle comment

CHIZ ESCUDERO

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with