^

PSN Showbiz

Female personality na walang kahihiyan, bumubuntot sa pamilyadong lalaki!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Siya na talaga! Nag-iisa lang siya! Walang makakabog sa kanya! Siya na ang may-ari ng korona! Walang puwedeng tumalo sa kanya!

Ganu’n ang paghusga ng mga nagpipista sa isang umpukan tungkol sa isang popular na female personality na walang pakialam sa mundo.

Basta gagawin niya ang gusto niya, kung sinuman ang kanyang magustuhan ay wala siyang pakialam kung meron man siyang nasasaktan, basta kailangang makuha niya ang kanyang gusto.

Kuwento ng aming source, “Naku, pagdating sa pakikipagrelasyon, seryoso man siya o naglalaro lang, e, wala nang makatatalo sa babaeng ‘yun! Wala siyang pakialam sa kahit sino!

“Ang sarili lang niyang kapakanan ang iniintindi niya, kailangang maging masaya siya, hindi bale nang nakakasagasa siya ng kapwa niya babae!

“Nakakaloka siya! ‘Yun ang literal na homewrecker! Ang gusto niya ka­sing nakakarelasyon, e, mga lalaking pamilyado na! Parang ayaw niya sa mga lalaking libre pa at walang girlfriend!

“Parang nakaka-feel lang siya ng happiness kapag nakakapanakit siya ng damdamin ng babaeng nagmamay-ari du’n sa lalaki!” mainit na simula ng aming impormante.

Kung saan kumukuha ng lakas ng loob ang babaeng personalidad ay walang nakakaalam. Ibang klase ang kanyang tapang, harap-harapan siyang umatake, parang siya pa ang may karapatang pumronta, samantalang nakikisawsaw lang naman siya!

“Bully ang babaeng ‘yun! Napakatalas ng pang-amoy niya! Kunwari, nagbakasyon ang pamilya ng guy na kinakalantari niya, siguradong du’n siya magbabakasyon!

“Kung nasa right wing ang pamilya ng guy, ano ang ginagawa ng left wing? Nandu’n siya, talagang binubuwisit pa niya ‘yung wife ng guy, wala siyang kahihiyan!

“May karelasyon siya, alam ng buong mundo ‘yun, pero bakit kaya siya nakagagawa ng mga kalokahan? Hindi ba siya sinisita ng karelasyon niya?

“Sa rami na ng mga pinaggagawa niyang kalokahan sa buhay, sa rami na ng mga lalaking kinarelasyon niya o pinaglaruan lang, e, sila pa rin hanggang ngayon ng lalaking love na love raw niya?

“Nakakaloka talaga siya! Siya na nga talaga! Mas makyondi pa siya kesa sa hipon, sa totoo lang! Ano ang laban sa kanya ng higad?” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Lani kakaiba ang katatagan

Hindi kinayang patumbahin ng mga problema at paghamon sa buhay si Mayora Lani Mercado. Walang pagbabago sa kanyang itsura. Ang babaeng pinagdaanan na yata ang lahat ng klase ng problema ay nakatayo pa rin at napakaganda.

‘Yun pa rin ang kagandahang nakikita namin nu’ng aktibo pa siya sa pag-aartista at pagho-host. Edad lang ang nadagdag sa kanya pero ang gandang Pilipina na taglay ng mayora ng Bacoor ay buhay na buhay pa rin.

Saludo kami sa katatagan ng kanyang loob. Lantad naman sa publiko ang mga kuwento tungkol sa kanyang mister na lapitin ng mga babae. Pero sa kabila ng lahat ay parang wala siyang pinagdaanan at ipinagsakripisyo, kakampi ni Mayor Lani ang panahon, ipinanganak siyang mas matibay pa ang paninindigan kesa sa mga kalalakihan.

“Dasal lang,” palaging sinasabi ng aktres-pulitiko. “Kapag itinaas na natin sa Panginoon ang lahat-lahat, gagaan na ang kalooban natin.

“Hindi simple ang sitwasyon ko bilang anak, asawa at ina. At ako rin ang itinuturing na ina ng bayan namin. Pero may kahirapan man, e, nagagawa na­ting posible ang lahat dahil ‘yun ang kailangan,”nakangiting sabi ni Mayora Lani.

Dahil nakakahon na ang kanyang posisyon bilang mayor ng Bacoor ay nakatutok ngayon ang kanilang pamilya sa kampanya-kandidatura ni dating Senador Bong Revilla.

“Siya ang isinusulong namin, ang kampanya niya para makabalik sa Senado ang tulung-tulong naming tinututukan. At nakakapanindig ng balahibo ang nakikita naming pagtanggap sa kanya ng mga kababayan natin kahit saan kami magpunta.

“Hindi naman sila mabibigo. Ako na po ang nagsasabi, napakaganda ng puso ni Senador Bong, walang masamang tinapay sa kanya, he has a very good heart,” sinserong paglalarawan ni Mayora Lani Mercado sa kanyang kabiyak.

vuukle comment

LANI MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with