^

PSN Showbiz

Pagkaganda-gandang aktres, may nakaraan sa kapwa babae

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nag-reunion kamakailan ang high school batch ng isang kilalang magandang personalidad. Dahil wala siya sa reunion ay natural lang na siya ang pagpistahan ng mga nandu’n.

Ayon sa grupo, sumikat man ang kanilang kaklase nu’ng high school sa isang bayan na malapit lang sa Maynila ay hindi lumaki ang kanyang ulo, basta meron siyang mahaba-habang panahon ay hindi siya nakalilimot na makipagkita sa kanyang mga kaibigan.

Kuwento ng aming source, “‘Yun naman ang maganda kay ____(maigsing pangalan lang ng magandang female personality), walang kahit sinong makapagsasabing yumabang na siya. Kahit sa community nila, e, hindi siya nakalilimot.

“Ang mga kaibigan at kaklase niya nu’ng high school, iniipon niyang lahat, inilalabas niya. Ganu’n pa rin siya ka-grounded. Wala siyang pagbabago, very humble pa rin siya,” simulang kuwento ng aming impormante.

Hindi na nagtataka ang kanyang mga kaibigan kung nababakante man ang kanyang puso sa pakikipagrelasyon. Hindi na bago ‘yun sa kanyang tropa, meron silang naaalala, makulay ang kuwento ng kabataan ng magandang aktres.

Balik-kuwento ng aming source, “Hindi kasi siya pure. May bahid pala ang gender niya. Sa ganda niyang ‘yun, e, kabaro rin pala niya ang hanap ng girl nu’ng bagets pa siya.

“Nagkakatuksuhan nga dahil ang ibang girls na naging ka-MU niya nu’n, e, nand’yan pa rin, nakakasama nila sa mga okasyon, pero pinagtatawanan na lang nila ang nakaraan!

“Sino nga ba ang mag-aakala na ang girl na ‘yun na pagkaganda-ganda, e, meron palang pusong naghahanap ng pagmamahal ng kapwa niya babae? Sa ganda niyang ‘yun, ha?

“Pero ang nakaraan ay nakaraan na, sabi nga ng mga friends niya, lady na ngayon ang kaibigan nilang sumusulat pa ng mga love notes sa mga kababaihang type niya, kaya n’yo ‘yun?XQ

“Hindi lang naman siya ang artistang ganyan! Marami ring may makulay na nakaraan, like ‘yung isang female personality na nakikipagrelasyon din sa kabaro niya, pero hinding-hindi mo pagdududahang may ganu’ng sexual preference pala!

“May boyfriend siya ngayon, alam ng mga kaklase niya ‘yun, pero siyempre, ang naaalala pa rin nila, e, ang nakaraan ng magandang aktres na nanliligaw siya ng mga kaklase nila!

“Nakakaaliw siya, napakaganda niya, pero may bahid ang kanyang gender. ‘Yun kaya ang reason kung bakit hindi nagtatagal ang mga pakikipagrelasyon niya?” tanong-opinyon pa ng aming source.

Ubos!

TIPM, nagiging pantanggal ng stress

Tapos na ang bakasyon! Take It… Per Minute na uli bukas. Nakakatuwang malaman na kahit sa aming nayon ay napapanood nila ang aming FB talk show ni Manay Lolit Solis.

Napakalawak talaga ng kapangyarihan ng teknolohiya, kahit mga nakatira sa gitna ng bukid ay nakatututok sa aming palabas, alam na alam nilang ulitin ang mga pakuwela at kalokahan ni Manay Lolit sa Take It… Per Minute.

Tama ang ibinalita ng aming editor na si Salve Asis, nag-occular na sa Mga Obra Ni Nanay sina Direk Benedict Carlos at Izy, pinag-aralan na nila ang magiging puwesto ng mga camera dahil isang araw ay mapapanood na ang Take It… Per Minute sa Cignal Channel.

Walang magiging problema ang mga regular nang tumututok dahil kasabay ng pagpapalabas sa Cignal ng talk show ang radyo (92.3 New FM) at ang FB sa pamamagitan ng Pilipino Star Ngayon FB page.

Sabi nga ni prop, “Ibang klase kasi ang show n’yo ni Manay Lolit, anything goes! No holds barred talaga! Puwede n’yong sabihin ang gusto n’yo nang walang barilan ng items!

“Sana, kahit nasa Cignal na kayo, e, ganu’n pa rin ang magiging texture ng show. Napakatagal na kasing walang talk show, e, part ng lipunan ang mga ganyang klase ng programa para pang-alis ng stress!

“Nakakaaliw kayong panoorin sa pananghalian! Mas sumasarap ang kain namin dahil sa mga kuwento n’yo na parang kasama kami sa sitwasyon!” tuwang-tuwang komento ng kaibigan naming propesor.

Maraming-maraming salamat po sa lahat ng mga tumututok tuwing Martes, alas dose hanggang ala una nang hapon, sa Take It… Per Minute.

Kayo po ang dahilan kung bakit nakakailang linggo pa lang ang talk show ay milyon na ang likes at views ng Take It… Per Minute.

Mula sa puso salamat po mula sa amin ni Manay Lolit at ng buong staff at crew ng Pilipino Star Ngayon FB page.

vuukle comment

MANAY LOLIT SOLIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with