^

PSN Showbiz

Takot sa alcohol, female personality lotion nang lotion para luminis ang kamay!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Batambata pa lang ang isang pamosong female personality ay angat na talaga sa kanyang mga kasamahang artista ang kanyang mga kagamitan. Sosyal na siya nu’n pa man.

?Palibhasa’y mula siya sa isang angkan na nakaririwasa, anumang magustuhan niya ay abot-kamay lang, hindi niya na kailangan pang pagtrabahuhan.

?Kuwento ng aming source, “Kung ano ang uso, siguradong meron na siya ahead of her friends. Sa ibang bansa pa lang uso ang isang stuff, meron na siya agad dahil may nagpapadala sa kanya.

?“Bag, shoes, baunan, hair clip, clothes, kahit ano pa, siguradong meron na siya agad. Kabog niya ang mga kasamahan niyang bagets, tulo-laway lang sila sa female personality na yayamanin!

?“Spoiled siya sa family nila, ayaw nga siyang pag-artistahin dahil mabubuhay naman siya nang hindi nagtatrabaho, kaso, passion niya talaga ang pag-arte.

?“Wala nang nagawa ang family niya, sinunod na lang ang hilig niya, masaya kasi siya sa pag-aartista,” simulang kuwento ng aming source.

?May kuwento naman ang isang impormante tungkol sa pamosong female personality, malinis siya sa katawan, konting hawak lang sa kung ano ay agad na siyang naglilinis ng magkabila niyang kamay.

?“Pero take note, ha? Hindi siya gumagamit ng alcohol, lotion ang gamit niya sa marurumi niyang kamay. Kasi nga, nakakatuyo kuno ng balat ang alcohol, samantalang ang lotion, e, pampakinis pa nga ng skin.

?“Kaya kapag may kumakamay sa kanya, e, hindi mo siya makikitang gumagamit ng alcohol, lotion ang panglinis ng mga hands ng sosing girl!” nakataas ang kilay na kuwento ng aming source.

?‘Yun mismo ang ibinabato laban sa kanya ngayon ng mga taong hindi nagkakagusto sa kanyang mga ginagawa. Palagi siyang bina-bash, plastic kuno ang female personality, dahil nagpapanggap siyang masa pero hindi naman ‘yun totoo.

?“Nu’ng minsan siyang nag-shopping, e, maraming hindi nagkagusto sa kanya, kasi nga, may kamalditahan siya. Maigsi raw ang kanyang pasensiya dahil ayaw niyang pinaghihintay siya.

?“Ang naka-display ang itinuturo niya, humihingi siya ng size niya, natural, kukunin pa ‘yun sa stockroom, di ba? Pinangaralan niya ang sales lady, sinabihan niya na dapat, para hindi naghihintay ang mga clients nila, e, kailangang may stock na sila sa mismong eskaparate!

?“Turuan ba ang sales lady? Pangunahan ba ang atake ng sosyal na shop? Nakasimangot siya habang waiting, sayang daw kasi ang panahon niya, kaya ang sabi ng mga nag-attend na sales ladies sa kanya, e, kabaligtaran daw siya ng name niya! Ayaw ng saging!” pagtatapos ng aming impormante.

?Ubos!

Maricel pinadadali ang trabaho!

Nag-aabang na ang mga loyalista ng Diamond Star, sana raw ay matuloy na ang gagawin nilang pelikula ni Martin Nievera, ang Does Your Mother Know? na ididirek ni Eric Quizon.

?Buhay na buhay pa rin ang mga tagahanga ni Maricel Soriano, nanahimik lang sila pansamantala nang magpahinga ang kanilang idolo, pero ngayong gabi-gabi na nilang napapanood si Marya sa The General’s Daughter ay pelikula na ang kanilang sigaw.

?Kung matutuloy ay balik-tambalan na pala nila ni Martin Nievera ang gagawin nilang pelikula sa Regal Films, nu’ng mga huling taon ng dekada otsenta ay nagtambal na rin sila sa Maria Went To Town, kaya kapado na nila ang isa’t isa.

?Magaan katrabaho si Maricel, pinadadali niya ang trabaho ng wardrobe department, inaalam lang niya kung anu-anong damit ang kailangan niyang isuot at siya na ang bahalang maghanda ng mga kailangan sa kanyang mga eksena.

?Sabi ng kanyang PA, “Gumagastos po siya, ipinabibili niya ang mga kailangan niyang isuot, para wala na siyang problema on the set.

?“Kung minsan kasi, e, malaki o maliit ang naka-prepare mula sa wardrobe, malaking problema ‘yun, kaya si Maricel na ang namumuhunan para sa mga isinusuot niya,” sabi ng kanyang alalay.

?Hindi rin siya problema sa pagkain dahil nagbabaon siya sa location, napakadali niya namang pakainin dahil sinigang na hipon lang at daing na bangus ay langit na para sa kanya, kumpleto na ang kanyang araw.

?Sana nga ay payagan si Maine Mendoza na magiging anak niya sa pelikula, siguradong magkakasundo ang dalawa, dahil pareho silang diretsong magsalita at kikay pa.

vuukle comment

MARICEL SORIANO

MARTIN NIEVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with